Heart Evangelista, hindi imbitado sa FAMAS – Chit Ramos

“TINAKOT-TAKOT BA naman ako ni Daddy nang tawagan niya ako last night (meaning, Sunday). May bad news daw siya sa akin,” kuwento ni Heart (Evangelista).

“I got worried agad. Takot ako sa Daddy ko, alam n’yo naman ‘yan. Ayokong makagawa uli ng kasalanan sa kanya. Pero, nag-iba agad ang boses. Sumaya. Ako raw ang nanalong best actress sa FAMAS  (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) para sa indie movie kong Ay, Ayeng.

“Unbelievable! Weird! Too good to be true,” iyon ang mga una kong sinabi sa Daddy ko. May Mom joined our conversation. Nagsisigaw na kami. Nagyakapan, iyakan, tawanan.

“If you were in our place, ganu’n din siguro ang mararamdaman n’yo,” patuloy niya sa aming telephone conversation.

[ad#post-ad-box]

When I told her na kasama sa mga nominated at nakalaban niya sina Sharon Cuneta (Caregiver), Dawn Zulueta (Magkaibigan), Judy Ann Santos (Ploning), Anne Curtis (Baler) at Melissa Fernandez (Kalakal), lalo siyang natulala.

“Oh, my God!” aniya. “Paano ako nanalo?” tanong niya. Inamin niyang nag-text sa kanya si Echo (Jericho Rosales to congratulate her), si Angeli  Pangilinan-Valenciano, dati niyang manager, si Anne Curtis at marami pang iba.

Hindi pala alam ni Heart na may FAMAS Awards night nang gabing iyon. “Wala  kasi akong imbitasyon. Even Tita Annabelle didn’t probably know about it. Pero, kung naroon ako, ewan, siguro hahagulgol ako sa iyak. Mawawalan ako ng poise.”

VERY MEMORABLE KAY Heart ang “Ay, Ayeng.”

“I was in my lowest that time. Wala akong ka-project-project. Wala akong ginagawa. When it was offered to me, I just came from New York. I grabbed it. Pumunta agad ako sa Baguio for  the shoot. Wala akong pakialam kung indie movie ito. Basta gusto ko lang mag-trabaho. Buti  na lang maganda ang project at magagaling ang mga co-stars ko. Sina Ma. Isabel Lopez, Jao Mapa, at John Arcilla.

“Very much concerned din sa akin si Direk Ed Palmos. Lagi niyang sinasabing, he wants me to give my all to the project. ‘Pag umiyak ako, iyak talaga. Hindi niya ako maawat. Kinarir ko talaga ang acting ko. Kaya siguro, maganda ang resulta, ibinuhos ko lahat-lahat.”

NANG DUMATING SA set ng Full House si Heart kinabukasan, pilit  niyang kinakalimutan ang napanalunang best actress award.

“Ayaw ko kasing pa-pressure. I told myself na hindi ko gagawing basis ang first award ko para mag-expect ng kung anu-ano. I wanted to act natural. Pero, sa set, hindi mapigil sina Richard (Gutierrez) at iba ko pang kasama sa Pinoy adaptation ng teleserye namin ni Richard na batiin ako. Ang saya-saya talaga namin. Nagpe-prepare nga si Jun Lalin ng something kapag nakuha na niya ang award ko. Hindi ko pa nga nahahawakan.”

Looking forward din si Heart sa first confrontation scene nila ni megastar Sharon Cuneta sa Mano PO 6: I Love You Mama. “It’s the third best thing that happened to me. Una, ang pagkakapili sa akin to play the role of Mama Sharon’s anak. Tapos ang Full House.  At ang best actress award. Weird talaga. I feel like I’m on cloud nine.”

BULL Chit!
by Chit Ramos

Previous articleLola at Nanay ni Charice Pempengco, nagkabati na! – Cristy Fermin
Next articleHulicam: Gabby Concepcion with his new baby!

No posts to display