Heart Evangelista, itinatago ang pagtulong

ISA si Heart Evangelista sa mga hinahangaan naming artista. Her sincerity genuinely emanates from her heart. Tumutulong sya ng palihim sa mga maysakit na di na kailangan pang may kakambal na TV coverage.

Heart-Evangelista

One of the tried and tested factors to prove na humahataw sa ratings ang Startalk ang kuwentong alinman sa mga sumusunod:

  • artistang walang naipon sa kabila ng kanyang tinamasang tagumpay sa kasagsagan ng kanyang karir,
  • may malubhang karamdamang nang-aamot ng pinansiyal na tulong,
  • sangkot sa mga illicit affairs na pinagtataasan ng kilay ng mapanghusgang lipunan
  • nakakaladkad sa isyung kasimbaho ng nakulob na labada.

Two Sundays ago, ipinityur ng Startalk ang kalagayan ng batikang character actor na si Roldan Aquino, who thrice suffered a stroke until January this year kung kailan he had to undergo brain surgery that would likely extend his life.

Of course, the “now” generation hardly knows kung sino siya. But with due respect to the man, isa siyang mahusay na aktor (who actually happens to be the elder brother of our officemate Marilyn Hernandez  sa pinagtrabahuhan naming Ministry of Human Settlements during the last years of the Marcos administration).

On screen, isang maangas na kontrabida ang papel na laging nakatoka kay Roldan, palibhasa kasi his robust built could pass for a bouncer na puwedeng pakinabangan sa mga bar.

However, the once beautiful physique that Roldan possessed ay isa nang katawang kinabitan na ng mga aparato sa ICU ng isang ospital, whose exhorbitant  bills his family most specially his children sa kanyang pangalawang asawa can no longer afford..

Sa pelikula, Roldan was last seen in Dingdong Dantes’s Tiktik, kung saan gumanap si Roldan bilang hepe ng pulisya assigned at a checkpoint. Sa TV, naging bahagi siya sa soap na pinagbidahan ni Heart Evangelista sa GMA, ang Forever.

Sa amin naitoka ang iskrip sa kuwento ni Roldan, whose three of four children sa kanyang pangalawang asawa ay nakapanayam ng Startalk. Iisa lang ang kanilang panaghoy: na sana’y may mga mabubuting kaluluwa ang mag-abot ng kanilang tulong-pinansiyal sa anila’y hindi na nila kakayanin pang gastusin sa pagpapagamot ng kanilang maysakit na ama.

Habang tutok kami sa pagmo-monitor ng aming isinulat na VTR script, little did we know na palihim palang ipinagtanong ng Startalk host na si Heart Evangelista kung paanong makokontak ang pamilya ni Roldan na nakasama niya sa Forever.

Heart’s gesture was under the rug, na hindi pa man niya ganap na naipaaabot ang kanyang tulong ay gusto naming saluduhan ang ginintuang puso ng TV host-actress.

Nito lang namin nalaman kung bakit ganoon na lang ang malasakit ni Heart who told her close friends, “Tito Roldan has been so nice to me. Can I please get his contact number para kahit naman somehow, eh, makatulong ako sa kanya?”

Back in her ABS-CBN days ay hanga na kami kay Heart, all the more na parang tumaas na blood pressure ng isang nahihilong tao ang aming admiration for this lady, whose sincerity genuinely emanates from her heart.

May iba kasing mga artista in our midst na bagama’t sinsero sa kanilang pagtulong sa mga maysakit ay kailangang may kakambal na TV coverage.

BLIND ITEM: Sa presscon ito ng soap ng GMA na Innamorata, kung saan ang mga bida ay ang mga bago naming hinahangaang sina Max Collins (because of her acting in the Lorna Tolentino-Dingdong Dantes May-December-themed soap) at Gwen Zamora (na isinumpa namin sa kanyang kasamaan  sa kinaadikan naming Binoy Henyo).

May kung anong skin disease meron ang karakter ni Max, to which isang feeling magaling na um-attend ng presscon ang nagsabing, “‘Galiserye’ ang dapat itawag sa soap.”

Come to think of it, whoever made that remark had a point. But look who’s talking?!

We rest our case.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleAiza Seguerra, kasado na ang kasal sa Amerika
Next articleKahit naging masakit ang una
Nikki Gil, naniniwala pa rin sa pag-ibig

No posts to display