MARAMI ANG nagsasabi na suwerte si Heart Evangelista dahil sa ngayon, she has both lovelife and career na parehong maganda naman ang takbo.
“Kaya nga happy ako!” nangiting sabi nga ng bida ng pinakabagong afternoon series ng GMA-7 na Magkano Ba Ang Pag-Ibig?. “And it’s not all the time that you have that.”
Puwede nga raw kaiinggitan si Heart. Dahil parang ang haba nga raw ng hair niya sa mga panahong ito.
“Huwag na silang mainggit!” nangiti ulit na reakisyon ni Heart. “Ma-inspire na lang sila.
“Marami akong pinagdaanan. Marami rin akong na-date. Marami akong pinasukang relasyon just to get the perfect mix. “But you can’t get the perfect mix. It’s just a matter of time, experiences, and character building that you appreciate who you’re with. There’s no perfect someone.”
Ganyan?
LAST MONDAY, September 29, mula Bali, Indonesia ay lumipad na patungong London ang kapapanalong Miss World 2013 na si Megan Young. Kasama niyang bumiyahe ang founder ng nasabing beauty pageant na si Julia Morley.
Isang linggo raw mananatili roon ang actress-beauty queen para pag-usapan ang kanyang responsibilidad sa buong isang taon ng reign niya. Ilang araw matapos siyang makoronahan bilang kauna-unahang Pinay na Miss World, news item pa rin si Megan sa iba’t ibang panig ng mundo.
Sa Amerika nga, may mga news items pang lumabas na ang nanalo umanong Miss World hails from the U.S. Bumabandera nang bonggang-bongga sa ilang articles online na roon nga raw siya ipinanganak.
Noon pa man, hindi itinatanggi ni Megan na sa U.S. nga siya ipinanganak pero umuwi siya sa Pilipinas when she was ten years old at mas pinili niyang maging naturalized Filipino citizen.
Sa paniniwala ni Megan, malaki raw ang naitulong ng kanyang pagiging artista sa pagsabak niya sa beauty pageant. At naging advantage daw niya ‘yong mga experience daw na she learned in showbusiness.
Nagamit daw niyang lahat ito sa pageant gaya halimbawa ng kanyang hosting skills at maging ng people’s skills o kakayahang makisalamuha nang maaayos sa sinumang nakahaharap.
Although isa sa mga pangarap niya ang pagiging beauty queen, pinakiramdaman muna raw niyang mabuti ang kanyang sarili hanggang sa dumating ang panahong sigurado na siyang handa na nga para sumali.
Bago ito, sumabak muna pa rin daw siya sa matinding training. Paniniwala kasi niya… the way that you talk, the way that you walk, the way that you eat and sit down, is crucial.
Although sa simula pa lang ng Miss World pageant ay ramdan na ang malakas na laban niya sa Miss World, hindi umano nagsiguro si Megan na siya na ang mananalo. Sobrang kaba pa rin daw ang kanyang naramdaman matapos tawagin si Miss Ghana bilang second runner-up at Miss France na siya namang naging first runner-up.
Nang ia-announce na kung sino ang nanalong Miss World 2013, naisip daw niya na… baka hindi siya. Pero gaya ng ini-aim niya, siya nga ang nakapag-uwi ng korona.
Excited na raw si Megan sa kanyang magiging buhay bilang bagong Miss World. But one thing is sure about her winning, she will be an inspiration to everyone particularly sa mga Pinoy.
At gaya nga ng nasabi rin niya, as she go around the world to do her part in the Beauty With a Purpose project of the Miss World Organization, kasama niya ang sambayanang Pilipino sa journey niyang ito.
Goodluck, Megan!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan