PAGDATING NAMAN DAW sa reporting na ginagawa niya sa Showbiz Central, impartial naman daw at hindi namemersonal si John ‘Universal Sweet’ Lapuz.
Ito na nga raw ang niyakap niyang imahe after na marami siyang naging kaaway at kasamaan ng loob in the past, na ganoon din ang ginagawa niya sa nauna niyang show.
Kaya naman sa role na ipinagkatiwala sa kanya ngayon para gampanan ang siyang magiging tinik sa dibdib at maghahatid ng conflict sa bida ng Full House na si Richard Gutierrez, hindi tinanggap ni John na ang role na gampanan niya eh, as himself.
Nag-suggest siya kay Direk Mark Reyes na gagawa siya ng isang karakter na ang peg niya sa ayos, eh, si Manay Lolit Solis during the scam time na tirik-tirik ang hair at naka-tsinelas, may alampay na ala-Soxy Topacio at sa attitude naman bilang isang reporter, du’n daw sa mga nega at madalas mag-gaka (gatecrasher o hindi imbitado) sa mga events siya kumuha ng karakter. Isa na rito ang mga nakaaway niya, na ang isa nga raw ay may TV show rin.
Ag karakter ni Keempee de Leon bilang manager ng karakter ni Richard naman ang laging makakabanggaan ni John sa palabas, na mala-Boy Abunda naman daw ang peg.
Inamin din ni John na minsan na siyang nalaos. Pero nasa artista naman daw kung masasabi ngang laos ito o hindi. Dahil ang gaya niya, eh, nakabangon dahil na rin sa pagtitiwala raw sa kanyang kakayahan ng GMA. Kaya, sa halos tatlong taon niya rito, dikit na dikit na raw ang pagiging loyal niya.
Kung may magagalit kay John sa kanyang bagong karakter, eh, naihanda na raw niya ang sarili niyang masampal, masabunutan o kumprontahin pa. Du’n n’ya raw masusukat kung gaano kaepektib ang kanyang ginagawa.
So, ready na ba kayo?
AT THIS POINT, Heart Evangelista has come to realize na oo nga, siguro mas maganda nga na wala muna siyang love life o commitment na inaatupag kasabay ng pag-aasikaso sa kanyang career.
Na-sentro rin dito ang pakikipag-usap namin sa dalaga sa presscon ng Full House kung saan siya ang leading lady ni Richard Gutierrez.
Kasi nga, sapagka’t kanya-kanya sila ni Jericho Rosales ng landas, pareho lang na nag-boom ang mga career nila. At tinanggap naman daw ito ng dalaga.
At kahit naman second choice lang si Heart sa Mano Po 6 bilang rebeldeng anak ng Megastar na si Sharon Cuneta, hindi naman daw niya iniisip na mas magiging lesser ang tindi ng papel na ginagampanan niya. Hindi niya raw ito iniinda dahil sa Patient X nga raw, eh, hindi rin siya natuloy at sa iba napunta ang role niya.
Pero sa pagbanggit ni Heart sa kuwento niya about Dennis Trillo, whom she admits she is very fond of now, bukod sa galing na galing siya sa pagiging aktor nito, mukhang may chance ‘ata na mas magkalapit ang mga puso nila sa pagsasama nila sa pelikula at sa wish din niyang makatrabaho ito sa isang soap after na magsama sila sa Dear Friend.
Natatawa lang ang dalaga. Na nagsabi namang marami pa ring lumiligaw sa kanya sa ngayon pero hindi nga muna niya ito binibigyan ng chance.
May hinihintay?
The Pillar
by Pilar Mateo