SA PRIMETIME series ng GMA-7 na Le-gacy, supportive ang character ni Sid Lucero bilang si Iñigo sa laging problemado sa boyfriend na si Diana portrayed by Heart Evangelista. Tanong tuloy namin sa aktor… in real life ba ay gano’n din siya sa aktres na may matinding pinagdadaanan ngayon matapos makipag-break kay Daniel Matsunaga?
“No. We’re friends,” maikling reaksyon lang niya bago muling natawa.
Single siya. Single na rin ulit ngayon si Heart. So, may chance kaya na sa mga susunod na araw ay puwedeng may mamuong romance sa pagitan nila?
“Well, if you’re talking about chances, then everything is possible. Pero, I’m not really ready for anything right now! She’s amazing! Gustung-gusto ko kaya the way she acts. Uhm… she’s a source of inspiration, I’d say. I look forward to going to work everyday when she’s there. And because now na alam ko na magkakasama pang madalas ang characters namin, I get more excited. Hindi na ako nali-late masyado!” natawa ulit si Sid.
Sa pinagdaraanan ngayon ni Heart, sa palagay niya talagang naaapektuhan ito?
“Iyon ‘yung part ng professionalism niya, eh. She talks about it. She feels bad about it. Pero pagdating sa set, hubad lahat ‘yon. Wala ‘yon. She is Diana (character ni Heart sa Legacy).”
May chemistry sila ni Heart. At marami ang nagsasabing bagay rin nga sila.
“Great!” nangiting sabi ni Sid. Sana we work together some more! Gusto ko siyang katrabaho, eh. Ang galing, eh.
What’s the best in working with Heart ba?
“Oh… there’s never a bad moment. There’s never a dull moment. Tapos everytime nagkakamali ako, lalo na I’m also going through some stuff, so… nakikita niyang nati-tense ako, kinakausap niya ako na… easy ka lang. So, ang gaan, eh. ‘Di ba? Kahit gaano ka-hassle ‘yong outside set, pagdating mo roon, parang… erase.”
IBA ANG sigla ni Pokwang nang makausap namin sa presson ng bagong fantaserye ng ABS-CBN na Aryana na ginanap sa poolside ng Sulo Hotel kagabi. Excited nga siya sa pagkukuwento tungkol sa kanyang role dito.
“Ako ay isang simpleng babaeng taga-tabing-dagat. Sabi nga, ito raw ay isang fantaserye kaya na-in love sa akin si Tonton. Pantasya lang! Ha-ha-ha! At nagmahalan kami nang bonggang-bongga. At ang naging bunga namin ay si Ar-yana.
Close daw ang role niya bilang ina ni Aryana sa kung ano siya as a mom in real life?
“Sobrang lapit talaga. Na nanay rin nga ako sa totoong buhay. Tapos dito, mawawalay sa akin ang anak ko. Eh, sa totoong buhay, alam n’yo naman na nawalan din ako ng anak. Alam ko ‘yong pain kung paano mawalay ‘yong anak. Sobrang kapit na kapit sa akin ‘yong role ko.
“At ‘yong biyenan kong Haponesa (sa totoong buhay), ayaw rin sa akin. Which is si Direk Laurice (Guillen na gumaganap bilang nanay ni Tonton), ayaw rin sa akin dito sa istorya ng Aryana.
“Sobrang nakaka-relate ako. minsan nga, may mga linya sa script na binabasa ko pa lang, nadudurog na ako, eh. Kasi parang… uy, nakita ko na ito sa buhay ko, ah! ‘Yong gano’n. May eksena nga na parang hindi ko kinaya na napatigil ako sa pag-arte. Iyon ‘yung eksena namin ni Tonton na umiiwas na siya sa akin. Hindi na niya kinikilalang anak ‘yong anak naming si Aryana. ‘Yong sa akin kasi, ‘di ba ‘yong mga anak ko… abandoned child ng tatay nila?”
Nadadala ba niya pag-uwi ng bahay ‘yong role niya kasi nga may pagkakahawig sa totoong buhay niya?
“No. Kasi ‘yong bahay ko, gusto ko lahat masaya. ‘Yong trabaho, ibubuhos ko lahat sa set. Pagdating ko sa bahay, nanay ulit na… masayahing nanay. Gano’n.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan