WALA RAW dream wedding na maituturing ang Kasupo star na si Heart Evangelista, if ever daw na lalagay ito sa tahimik o magpapakasal. Simple kahit hindi magarbong kasal ay okey lang sa kanya, as long as kasama niya ang kanyang Prince Charming na kanyang makakasama sa habang buhay hanggang sa kanyang pagtanda.
Kuwento nga nito, “Wala akong dream wedding, eh. I just want na kasama ko ‘yung dream guy ko.”
Habang ang sobrang pagmamahal at respeto raw sa isa’t isa ang susi kung bakit smooth ang relasyon at pagsasama nila ni Senator Chiz Escudero.
“Not making such an effort, letting go, and love each other—that’s the most important thing,” pagtatapos na pahayag ni Heart.
PINABULAANAN NI Hiro Peralta na playboy siya dahil na rin sa pagiging vocal nito sa pagsasabing gusto niyang makapareha ang ilang Tween stars ng GMA-7 mula kay Yassi Pressman, Rhen Escano at gustong makapareha muli sina Joyce Ching at Kim Rodriguez.
Dagdag nga ni Hiro hindi naman siguro matatawag na playboy ang isang lalaki na katulad niya na gusto lang makasama sa trabaho ang mga kapwa niya Tweens sa GMA-7. Pare-pareho naman daw silang galing sa Tween Hearts at nagkasama na rin sa iba pang mga shows.
Pero sa mga nabanggit ay si Kim Rodriguez ang pinakagusto nitong makasama sa susunod niyang proyekto. Na-miss niya raw kasi ang dating ka-loveteam kaya naman daw ngayong pareho nang namaalam ang kani-kanilang show ay baka raw puwedeng magsama silang muli sa mga susunod na soap ng GMA-7.
MARAMING NATUWA nang makitang humahataw sa dance floor ang Japanese producer/ actor/ businessman na may pusong Pinoy na si Jacky Woo na nakipaghatawan sa grupo nina Mark Herras (Insta Gang) sa SAS (Sunday All Stars).
Hindi kasi alam ng marami na bukod sa mahusay itong actor/ producer, magaling din itong sumayaw kaya naman puring-puri ito ni Janno Gibbs na isa sa mga hurado sa SAS. Bukod sa guesting nito sa SAS, nakipagkulitan naman si Jacky sa Bubble Gang kasama sina Michael V.
Very vocal at proud din nitong sinabi na nag-aral noon siya ng hilot style massage dito sa Pilipinas under the supervision of TESDA na ngayon ay dinala niya at pinasubok sa kanyang mga kababayan sa Japan. At pagbibida nga nito, marami nga raw siyang Japanese friends na nahihilig na sa hilot, dahil nare-relax ang mga ito at nawawala ang kanilang stress.
John’s Point
by John Fontanilla