SA LOOB ng halos 40 Days na Enhanced Community Quarantine ay napatunayan ni Heart Evangelista na kahit may mga pagkakataon na siya’y nami-misinterpret ng mga netizens sa kanyang mga actions na hindi naman niya sinasadyang ‘nakaka-offend’ siya, hindi naman ito tumitigil sa kanyang pagtulong sa mga nangangailangan kahit hindi naman siya pulitiko.
Noong nakaraang linggo lang ay inamin ng Kapuso actress na dumadanas siya ng anxiety na epekto ng ECQ. Lahat ng tao sa mundo ay apektado sa global crisis na ito na sanhi ng Covid-19. Mapalad si Heart Evangelista dahil nakaka-angat siya sa buhay kaya naman ang pagtulong sa kapwa by giving them financial assistance ang ginagawa niya in the past month.
Napapansin namin na sa kanyang Twitter account ay halos araw-araw ay tumutulong siya sa mga taong humihingi ng ayuda. Sa pamamagitan ng online banking ay nakakapagpadala siya sa limang tao kada araw.
Narito ang post ni Heart sa Instagram:
“Ever since the start of ECQ, I’ve spent a lot of time on Twitter, reaching out to anyone who needs a little help. So far, it’s been over two hundred people, and yes, I do get overwhelmed, so I just tell myself to breathe and take it one day at a time. On some days, it gets difficult because online banking goes down, but again, I just try keep things going no matter how slowly.
If I can do anything at all to help, please follow my Twitter account @/heart021485. My priorities are of course those who are in really bad situations and in immediate need— medical issues and mothers that are in dire need of milk. Like how the saying goes, “We can’t help everyone but everyone can help someone”, I too just want to be able to help out in my own little ways.”
Maliban sa pagtulong sa mga nangangailangan, ang pagiging kikay entertainer ni Heart ay muling nabuhay sa pagsama niya sa sikat na app na TikTok, kung saan talagang sinakyan niya ang kanyang image for being a luxurious kikay icon. Pati ang ilang home improvement tips ay naishare na rin niya at sure kami na soon ay maglalabas ito ng panibagong vlog sa kanyang YouTube channel for more inspiring vdeos for self-improvement while on quarantine.
Sa totoo lang, nakakamiss na rin na mapanood si Heart Evangelista sa TV at lalong lalo na sa big screen. Huling teleserye ni Heart ang ‘My Korean Jagiya’, ang patok na Filipino-Korean series ng GMA-7 kung saan leading man niya ang idol na si Alexander Lee. Sa big screen naman ay ang Trophy Wife at Sosy Problems ang huling nilabasan nito bago siya ikasal kay Sen. Chiz Escudero.
Kailan kaya magbabalik-telebisyon at pelikula si Heart? Tanong lang po!