HEART EVANGELISTA sort of beat her own record nang sa ikalawang pagkakataon ay kunin siyang co-host muli ng Startalk nitong Sabado. The actress even shone brighter sa kanyang panayam kay Kobe, anak ni Benjie Paras.
Ang nagsilbing baptism of fire ni Heart sa Startalk ay nang maatasang interbyuhin sina Dennis Trillo at Tom Rodriguez, iisipin mong idinisenyo ang aktres sa larangan ng hosting. Her second attempt, as expected, was just a piece of cake.
Pero ang item na ito ay hindi puro tungkol sa husay ni Heart in what remains to be untapped talent, this is about Marian Rivera.
Sa mismong episode kasing ‘yon ay may VTR interview kay Marian which tackled, among others, ‘yung tungkol sa kahandaan na raw ng tinaguriang Primetime Queen na makipag-ayos sa kanyang mga nakabanggan in the past.
Of course, there lurked a silent gap between her and Rhian Ramos, nasundan ito ng isyu sa kanila ni Bela Padilla. Then came her verbal tussle with Heart. All these issues were spawned noong nasa poder pa si Marian ni Popoy Caritativo whose stable the actress decidedly bolted.
Off camera, as we praised Heart for pulling off her interview kay Kobe ay hiningi namin ang kanyang reaksiyon sa tinuran ni Marian with her “collective statement” of smoking the peace pipe with those she had engaged in fights.
“Sa akin naman, ever since, wala namang issue. In fact, nu’ng nangyari ‘yung sa amin (panahon ng remake ng Temptation Island), binati ko pa siya nu’ng magkita kami sa isang show yata ‘yon although she didn’t acknowledge. Then sa isang event where I saw her, I still went up to her, binati naman niya ako. The third was when nagkita kami sa States, hindi ko na lang siya binati ‘coz I knew she was busy although we were seated on one table,” mahabang kuwent o ni Heart.
Aprub din kay Heart if ever GMA might get them both for a project. “Oo naman, walang kaso ‘yon, but the question is, is it okay with her?”
ABANGAN BUKAS ang episode ng One Day Isang Araw ang kuwentong pinamagatang Mu-Mu-Monsters. Milkah Nacion plays the storyteller, portraying Miguel Tan Felix’s (Dang) parents are Ramon Christopher de Leon and Bettina Carlos.
Tiyak na maaaliw na naman ang mga batang tagasubaybay ng ODIA dahil sa naiibang karanasan ng bidang si Dang.
Sa wakas kasi ay may sarili na siyang kuwarto sa kanilang bagong bahay. Pero sabi ng mommy niya, kailangan na rin niyang matutong matulog nang mag-isa with the lights off.
Ang problema lang, tuwing papatayin ang ilaw at mababalot ng dilim ang buong kuwarto, may lumilitaw na tatlong “mu-mu-monsters” at tinatakot siya ng mga ito. Ano ang dapat gawin ni Dang upang mawala ang kaniyang takot sa dilim at mapaalis nang tuluyan ang nakakainis niyang roommates?
Alamin ang buong kuwento sa ODIA, kasama sina Jillian Ward, Milkah Wayne Nacion, Marc Justine Alvarez at Joshua Karon Uy sa direkyon ni Rico Gutierrez, bukas ng alas ng gabi sa GMA.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III