SIKAT na hardcourt hero pala itong si Ricci Rivero.
Wala kasi sa kamalayan ko ang basketball or kahit anong sports.
Kuwento sa akin ng isang kaibigan na dead na dead sa klase ng laro ng binata sa hardcourt ay dating taga-La Salle daw si Ricci na ngayon ay kabilang na sa mga baskebolista ng UP Maroons.
Kaya naman pala siya nakapasok sa showbiz bilang isang artista via the horror movie ni Direk Joven Tan na OTLUM (binaliktad na salitang multo) ay gusto niya subukan ang showbiz kung keri niya umarte.
Sa pelikula na official entry ng Horseshoe Studios na OTLUM para sa Metro Manila Film Festival 2018, kuwento ng mga college students ang pelikula na naka-encounter ng multo sa isang lumang bahay.
“Pwede siya mag-showbiz. May promise,” kuwento ni Direk Joven sa amin during the grand media conference ng pelikula.
At the mediacon, we had the chance for a short interview with Ricci na very accommodating.
Kaya pala niya nagawa ang first movie niya dahil nagkaroon siya ng time to try another hilig- ang pag-arte. Buod kasi sa pag-aaral ay ang pagsasanay rin ng laro ang ginagawa niya.
“I want to try baka pwede,” sabi niya.
Pero panimula lang daw ang OTLUM na project niya. Subok lang daw. ”But next year, I will be busy training for the next UAAP season for the UP Maroons,” naikuwento ni Ricci sa amin.
If ever na gumawa muli siya ng movie ay gusto niya makasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Idolo ni Ricci ang mag-onscreen partners na very vocal sa kanyang pagkagusto sa dalawa.
If ever mapagbigyan na makasama ang KathNiel sa next movie project ni Ricci, gusto ng hardcourt hero na kaibigan niya ang dalawa ang role na gagapanan niya. ”I’m a fan of both,” sabi hardcourt idol na sandamakmak ang mga fans.
Sa OTLUM, makakasama ng sikat na basketbolista sina Jerome Ponce, Michelle Vito, Danzel Fernandez (anak ng dating artista na ngayon ay Sta. Rosa, Laguna Mayor Dan Fernandez at dating artista na si Shiela Ysrael); at si Buboy Villar.
Reyted K
By RK Villacorta