Sa tanong namin kay Heaven kung ano ang pakiramdam na bida na siya sa isang teleserye, aniya, sobrang saya ng nararamdaman niya.
“Kung alam n’yo lang po kung gaano ako kasaya. Kung gaano kasaya yung puso ko para mabigay sa ‘kin ‘tong role na ‘to,” tila hindi makapaniwalang pahayag ni Heaven press na umatend sa Bagong Umaga virtual conference.
Patuloy ng dalaga, “Sobrang thankful ako kina Mamu (Rizalina Ebrigea ng RGE Drama Unit), of course sa production, sa mga directors, sa ABS [CBN] for giving me this opportunity.
Kasama ni Heaven sa Bagong Umga sina Barbie Imperial, Tony Labrusca, Kiko Estrada, Michelle Vito at Yves Flores. The series is directed by Carlo Po Artillaga and Paco Sta. Maria.
“Pero for me, masayang pressured din para, at least, gagalingan ko everytime. Para matuwa naman yung ating mga viewers,” lahad pa niya.
Iba dapat ang role na gagampanan ni Heaven sa Bagong Umaga, pero dahil nawala sa cast si Julia Barretto kaya ang role ng huli bilang si Tisay na isang matapang na babae na galit sa mga maayaman ang na-assign sa kanya.
Ano ba ang reaksyon niya na parang second choice lang siya for the role?
Sagot niya, “It’s a blessing in disguise kaya nagpapasalamat talaga ako lagi, so, yon lang po. Ang ginagawa ko lang talaga ay ginagalingan ko every scene. Nandiyan naman po yung director namin para tulungan kami. Lalo na yung mga castmates ko, sobrang galing din po nila na kahit ikaw mismo madadala ka sa galing nila.
“Dito po sa Bagong Umaga, lahat po kami, kahit veterans po, sobrang bait po nila. Like sila Tita Rio (Locsin), alam n’yo si Tita Rio… smiling face. Dito para kaming pamilya, eh.
“Siguro dahil lock-in po kami and everyday kaming magkakasama, we became a family. And every time na nasa set ako, it’s a happy set for me, pahayag ni Heaven.
Bukod sa anim na bidang young stars ay kasama rin sa Bagong Umaga sina Sunshine Cruz, Rio Locsin, Bernadette Allyson, Nikki Valdez, Glydel Mercado, Cris Villanueva, Keempee de Leon at Richard Quan.