BIDA sa 2022 Metro Manila Film Festival entry na Nananahimik Ang Gabi ang controversial PBB alumna turned actress na si Heaven Peralejo. First time din nito tumanggap ng mapangahas na papel bilang ‘sugar baby’ ng mas matandang lalaki na karakter naman ni Ian Veneracion.
Ayon sa dalaga, tinanggap niya ang proyekto dahil maganda ang script at naaayon ang istorya sa estado ng mga kabataan sa kasalukuyan, kung saan dumarami ang mga sugar babies na naghahanap ng sugar daddies para sa financial support.
“Sa generation namin umiingay ‘yung ‘I wanna be a sugar baby.’ Glamorous life. This film kasi it sends a message that kung sugar baby ka you also have to face consequences,” sambit ng dalaga sa press conference ng pinagbibidahang pelikula.
“And those consequences, sometimes, hindi ka ready. Hindi mo alam na malala pala. Every choice you make in life laging may consequences whether good or bad.”
Sa trailer pa lang ay marami na ang nanggigigil sa karakter ni Heaven bilang si Me-Ann. May ilan din na napapa-sana all dahil kalampungan niya rito si Ian Veneracion, na hanggang ngayon ay dream leading man ng maraming kababaihan.
Nang tanungin kung nailang ito sa ‘kandungan’ scene nila ni Ian na masisilip sa trailer, “He made me feel so comfortable around him. Hindi ako off cam na kumakandong. Hindi naman. It more like since we’re comfortable with each other, we get to laugh at each other’s joke. ‘Yung pagkandong, it’s work. It’s not malicious sa personal life. We have set the boundaries very clearly,” paliwanag nito.
Sa parte naman ni Ian, “Yung character ko talagang dark na malisyoso. Kahit kumandong siya, andun din ako sa mode na in character din. At saka siya, kumakandong naman siya not as Heaven e. Nakikita ko si Me-Aan. Nakikita ko ‘yung innocence niya. Sakto sa character niya. “Kaya siguro wala rin kaming ilangan kasi malinaw samin na we’re both in character.”” saad niya.