Heaven Peralejo, wish na magkaroon ng teleserye

 

Heaven Peralejo

LALONG GUMAGANDA ang career ni Heaven Peralejo. Mula sa Bahay ni Kuya ay napasali siya sa Wansapanataym: Annika Pintasera na tinatampukan ni Julia Montes. Isa rin si Heaven sa casts ng pelikulang Bes and the Beshies ni Direk Joel Lamangan. Hatid ng Cineko Productions Incorporated, ito’y tinatampukan nina Zsa Zsa Padilla, Carmi Martin, Beauty Gonzalez at Ai Ai Delas Alas.

 
Ayon sa magandang dalagita, masaya siya sa takbo ng kanyang career. “Yes super happy ako na nabibigyan po ako ng projects ngayon kahit supporting masaya na ako. Nagkakaroon ng mga bagong kaibigan at madaming natutunan. Pero hoping ako na one day hindi na ako supporting kaya bago mangyari yun gusto ko ready na talaga ako.
 
Sa ngayon, ang isa sa dream niya ay ang magkaroon ng TV series. “Opo yun ang dream ko, ang magkaroon ng TV series. Sino po ba ang hindi?” nakatawang saad niya.
 
Pahabol pa ng ng dating PBB Housemate, “I mean, na araw-araw ay makikita mo ang sarili mo sa TV! Siguro sa iba maliit na kasiyahan iyon, pero sa akin ay magiging masayang-masaya po ako kapag nangyari iyon.”
 
Kung may chance ka, saang serye ng mga sikat na love team mo gustong mapabilang?
 
Esplika ng magandang talent ni Ogie Diaz, “Sana po kung may chance, gusto ko sana ay doon sa La Luna Sangre nina Kathryn (Bernardo) at Daniel (Padilla). Kasi iyong Mom ko po, mahilig siya sa mga fantaserye. Gusto ko rin po ng ganoon, mga fantaserye na makaka-acting ka.
 
“Kahit po sana kapatid ni Ms. Kathryn or kahit parang barkada, okay na okay na po sa akin iyon,” nakangiting saad pa niya.
~0~
 
Paolo Paraiso, nag-enjoy sa paggawa ng pelikulang We Will Not Die Tonight 
 
Ipinagmamalaki ni Paolo Paraiso ang movie nilang We Will Not Die Tonight ni Direk Richard Somes. Bukod kay Paolo, ang pelikula ay pinagbibidahan nina Erich Gonzales, Jeffrey Tam, Alex Medina, Max Eigenmann, Sarah Abad, Thou Reyes, Marella Torres, at iba pa.
 
Paolo Paraiso with the cast members of We Will Not Die Tonight

Naiibang action movie raw ito at madugo ang mga eksena rito. “We just finished shooting We Will Not Die Tonight, which made me fall in love with acting all over again.

 
“Sa movie, ako yung kontrabida na hahabol sa grupo ni Erich. Ako yung leader ng gang.Yung kuwento ng pelikula is, yung group ni Erich ay pumunta sa teritoryo ko-nagkaatraso sila sa akin… hinabol ko sila. Lahat ng ito nangyari sa isang gabi,” esplika pa niya.
 
Paano mo ide-describe ang pelikulang ito at si Direk Richard?
 
Saad ni Paolo, “Yung movie super high energy and fast paced. Sobrang grit and grind!! Madugo… ma-action! But not the typical action na sanay kayo, kasi ay mas totoo ang labanan dito. If mapanood ninyo ang movie, halos mararamdaman ng viewers yung sapakan, eh.
 
“Matinding training ang kailangan sa ganitong klaseng pelikula, buti na lang hilig ko na talaga ang MMA, kaya naisama ko si Erich sa training for this.
 
“Bilib na bilib ako kay Direk Richard, alam niya yung gusto niyang look for the movie sa simula pa lang. Importante rin sa kanya na may input kami sa mga character namin. Super-saludo ako kay Direk Richard.
 
“Sinabayan niya kami sa journey namin as his characters. He actually let us play with the scenes. Pinapabayaan niya kami how to attack a scene, then he will give his notes if it works or not, tapos uulitin namin.
 
“Super proud kaming lahat sa ginawa naming pelikula, cant wait to see it ourselves.”
 
Nabanggit din ng actor na siya ang nag-engganyo kay Erich na mag-ensayo.
 
“Yes, it makes sense kasi for her to train MMA if she wants to continue doing this kind of action films. Plus, nakaka sexy rin ang MMA training. Sinasama ko siya sa gym namin ng MMA for her to learn the proper techniques of Muay Thai, boxing, jiujitsu, etcetera.
 
Ano ba ang role ni Erich dito? “Erich plays a stunt woman, tapos nangailangan ng pera kaya rumaket. Pero napahamak siya sa raket na sinamahan niya.”

Nonie’s Niche
by Nonie V. Nicasio

Previous articleRonnie Alonte, nagpasalamat sa billing sa Bloody Crayons
Next article#DahilSaKyru: Why the Ruru Madrid-Kylie Padilla loveteam worked (and must continue!)

No posts to display