Larawan sa Canvas: Heir to the Lord of the Amulet of Pepeng Agimat

Yup! Another ‘new breed’ at ‘upcoming action star’ ang aking naka one-on-one interview. Isa siyang ‘son of Cavite’ pagdating sa mga Agimat. Yes! Apo ito ng Hari ng mga Agimat. Siyempre walang iba kundi ang maalamat na nagsasadula ng mga anting-anting at isang batikang artista na si Ramon Revilla, Sr. Pinanonood ko pa ang mga pelikula nito at fan ako nito noong bata pa ako. Ah, at naaalala ko rin tuloy naging guest ko ang ‘uncle’ nitong si Strike Revilla sa Art Exhibit ko sa UST Museum na pinamagatang Anatomy of a Woman: Jose Lorenzo H. Bautista. He is 2nd of six children nina Bong Revilla at Lani Mercado. A member of the rich & famous Revilla clan ng Philippine showbiz at politics ngayon.

Oh, my! Pinamanahan ng agimat ang  batang aktor na ito. Ilagay na kaya natin sa canvas.

“Ah, pino-promote namin dito iyong pagiging malapit sa pamilya. Iyon ang target namin dito and of course iyong mga bata rin,” panimula ni Jolo Revila

Ah, anong pagkakaiba ni Jolo sa original na Pepeng Agimat? “Kasi si Pepeng Agimat, malaki ang takot sa Mama niya, kumbaga Mama’s boy rin siya. Actually, hindi naman ako Mama’s boy at ‘di rin Daddy’s boy, kumbaga patas lang. May takot ako sa kanila pareho, pero siyempre hindi naman ako ‘yung konting problema ‘andiyan agad. Ganu’n kasi siya, eh. Basta malaking pagkakaiba, kaya malaking adjustment para sa akin and at the same time… ah, pasensiya na, ha? Iyong mga katulong, eh…

Ha-ha-ha… hindi okay lang. “Dito duwag si Pepeng Agimat, sa personal makikita natin iyong ‘change of character’ habang tumatagal iyong istorya.”

Okay, Jolo… kumusta pala ang love life? “Ah… sa ngayon single, pero masaya!”

Aha-ha! Pero maganda ang laging single, ha-ha-ha!

“Oo, ‘sabagay okey ‘yun para sa ‘kin. Mas may oras ako sa sarili ko at sa career ko at sa pag-aaral.”

Kumusta ang Revilla Clan? Kilala halimbawa si Fernando Poe, Hari ng Tondo… sa inyo, Cavite. Sa palagay mo iyong inabutan mo ngayon, anong pananaw mo sa pamilya n’yo? “Sa aking pananaw, isa lang, sa tama lang kami. ‘Yung senior maprinsipyo.”

Ay, oo… iyong senior. Pangangatawanan mo ba ang anting- anting? Biro niya, sa chicks?

“’Di masisising lapitin din naman kami ng babae, eh.”

Oo, siyempre dahil may hitsura ka namang lalaki. “’Di.. friendly lang naman, he-he-he.”

Kinulit ko rin na parang katropa, “Saka maawain hahaha!” Biro ko. “Talagang pala-kaibigan lang, ha-ha-ha!”

Well, ‘yung daddy mo, kaya mo bang sundan or what? “Ah, basta masasabi ko ‘yung Daddy ko, nararating na niya ang naabot ng lolo ko. Sa abot ng aking Ama ay hindi biro, hindi kayang basta at marahil mahirap lagpasan o abutin ng kahit ganu’n lang ng kahit sino. Nabuhay ako at lumaking nakikita ang ginagawa ng daddy ko, eh. At gusto rin niyang ma-achieve ko ito. Baka dito… at the same time at least mas lumawak iyong pag-iisip ko para sa craft na ito.”

Ah, okey pagkagising mo, ano ang una mong ginagawa? “Ah… siyempre mag-uunat muna, ‘di ba? Hahaha!”

Palabiro rin ang batang ito katulad ko. Oo, mag-uunat! O, iyong mumog? “Ahahaha! Siyempre magsisipilyo rin!”

Tawang-tawa rin akong lalo, at nagtawanan kami… ha-ha-ha!  “Ayun… tapos bukas ng TV, nood ng balita!”

Aha-ha! So ngayon Jolo, sa loob ng limang taon pa, ano ang posibleng mga gagawin mo? “Sa loob ng limang taon? Siguro hindi malayo na lumaban din tayo sa pulitika.”

Nice talaga, pulitiko at artista. “Pero hindi pa ngayon. Lahat po ‘yan ay pinag-iisipan pa at pinag-aaralan pa, eh. ‘Di basta ginagawa ‘yan, eh.”

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

Previous articleLorna Tolentino, nag-react na sa sampalan blues nila ni Chin Chin Gutierrez! – Ronnie Carrasco
Next articleGuesswhodoes: Anjo Yllana does the “Shopping Sultan”

No posts to display