“MEGA-TELESERYE QUEEN” na ngayon ang sigaw ng masa kay Madam Helen Gamboa dahil sa pambihirang galing na ipinakikita niya sa teleseryeng Tayong Dalawa.
“Kung minsan mahirap umiyak, Diyos ko! Hindi ko alam kung saan ko kinukuha ‘yung luha ko, tapos ang sakit sa dibdib. Siyempre, feel na feel mo. Pagdating sa set, ako na si Elizabeth, kasi you have to live the character. ‘Sabi nga ni Mayor Singson ng Ilocos, I don’t accept more invitation during weekdays. I only accept invitation during weekends. I love your clothes, I love your bags, she’s very nice. ‘Yun kasing naipon ko sa maleta.”
“Hanggang July tatakbo ang Tayong Dalawa dahil sa taas ng ratings. “Naging close na kami, parang pamilya. Si Jake, Gerald, Kim, Agot, binibigyan ko ng tip si Agot para maging madamdamin ‘yung eksena namin. This coming week maganda ang twist ng story, little by little.”
Reaction ng mga anak ni Helen sa role na ginagampanan niya? “Ang pagtataray ko subdue, wala akong kinokopya. They are very happy about it. Sabi nga, this is really very different from the role you usually portray na palaging api. They watch, they like Jake, they like Gerald, they love everybody. Suprisingly pati ‘yung mga bata sa labas, they approach me, picture-picture. Tuwang-tuwa si Charo (Santos) sa taas ng ratings namin.”
“Sino nga pala ang nag-convince kay Madam Helen para tanggapin ang role sa Tayong Dalawa? Si Charo, she talk to Deo Edrinal dahil siya ang may hawak ng production. Siya na ‘yung in charge of everything. I was thankful to Charo, to Cory (Vidanes) and of course kay Deo. Ang galing talaga ni Deo, ang ganda ng ideas niya. When they talked to me, they talk to me in private, ako lang. They talk to me about this, markado ang role. Sinasabi nga nila, medyo mataray ‘yung role ko.
Noong birthday ko, tinatawagan ako ni Charo, sabi niya, ‘Happy birthday! Naniniwala ka na sa akin ngayon?’ Hahaha! Sabi nga nila, pare-pareho lang ‘yung role ko na pulos api na nasa squatter area na naka-daster. Sabi pa niya, ‘gusto ko namang makita kang glamorosa,’ hahaha!”
How do people react sa role mo na medyo mataray? “They accepted na ganoon, na natutuwa sila, they watch it. I’m so happy dahil wala pa akong nakasalubong na nega. They will approach me at sasabihin nilang gustung-gusto nila ‘yung role ko. Natutuwa ako kasi ‘yung mga nanonood dalang-dala sila. Minsan nga may tatawag sa akin umiiyak, hahaha!”
Bawat eksena ni Madam Helen, kapansin-pansin ang kanyang mga kasuotan na lalong nagpatingkad sa kanyang angking kagandahan. “Minsan sa isang taping, 18 clothes, minsan 20 plus, kaya ‘yung maleta kong na-save ko sa pagsa-shopping nagamit ko. ‘Yung mga damit ko sa soap, akin ‘yun, mga naipon ko two years ago pa. You know, when I went to Europe namimili ako, naipon lang ‘yun na hindi sinasadya. Hindi ka aware na sa kabibiyahe mo, ‘yun pala may nilalaan si Lord for you.”
Masyadong memorable para kay Helen ang pelikulang Kailan Mahuhugasan Ang Kasalanan, kung saan nagkamit siya ng award for Best Actress. Alam mo, noong i-offer ni Lino Brocka sa akin ‘yun, may pananakot pa! Si Lino mismo, tinawagan ako sa telepono, ‘if you don’t do this you’re gonna regret it for the rest of your life.’ Diyos ko! Inistorya na niya sa akin sa telepono nang buong-buo, the script is on the way. Pagbaba niya ng telepono, nand’yan na ‘yung script, ganoon kabilis,” natutuwa niyang kuwento sa amin.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield