EXCITING ang first team-up nina Kathryn Bernardo and Alden Richards entitled “Hello, Love, Goodbye” helmed by the blockbuster director Cathy Garcia-Molina under Star Cinema. This film is about Joy (Kathryn) and Ethan (Alden). Joy, domestic helper who still dreams of succeeding to live a greater life far from her depraved childhood. Ethan, a bartender, sweetheart playboy who is already building a permanent life in Hongkong. Soon, they developed a friendship and became each other’s joy against the grime and grind of the city.
Sa trailer palang ng “Hello, Love Goodbye”, may kilig factor ang tandem nina Kath at Alden. May chemistry sila on the big screen. Marami ang angsasabi sila na ang young version nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo.
Ayon kay Direk Cathy, “ Sina Inang (Olivia Lamasan) at Roxy Liquigan ang pumili kay Alden Richards. Kuwento ito ng 2 strangers na parehong OFW. Wala kaming maisip na taga-ABS na babagay sa character ni Ethan. Nang sabihin nila sa akin si Alden, naexcite ako, kung ano maibibigay ng artistang ito. I never saw his acting… Mahabang proseso bago eto nagkaroon ng katuparan.”
Storycon ang first meeting nina Kathryn at Alden. After one week fly na ang buong cast sa Hongkong. Nagkakasama na pala ang dalawa sa mga events pero naging close lang sila nang mag-shooting na sila sa Hongkong. “Si Kathryn, very warm and very sweet. Hindi ako nahirapan makapalagayan siya ng loob. Walang pilitan, kailangang natural, pinababayaan lang kami ni Direk Cathy. First time, sobrang happy ako to prepare the character. Tinulungan nila ako sa character na pino-portray ko as Ethan. They have to work for their family. Habang ginagawa namin , isinasapuso namin ‘yung character ng isang OFW. More self-love over the family. Very millennials, fast moving na. Naging maganda ang working relationship namin,” say ni Alden.
Seryoso ang character na pino-portray ni Kathryn. “Joy ang pangalan niya pero wala siyang joy. Medyo malaki ‘yung hinihingi ng character dahil seryoso eto sa amin ni Alden. First scene namin ni Alden hindi siya naging madali. Nakakapanibago pero okay naman ang kinalabasan. Niyakap ko ‘yung role hindi siya naging madali. Malaking tulong para na-enjoy ko ‘yung character ni Joy.”
Sinadya pala ni Direk Cathy na unahin ‘yung mahihirap na eksena nina Kath at Alden. “Sinadya ko para makita kung ano mayroon sila. Kailangan maganda ang ibibigay nila sa eksena.”
Maging si Alden kailangan niya magbawas ng timbang. “During look test, napansin ko kay Direk Cathy na may hinahanap siya… Hindi na napigilan ni Direk na sabihin , “Tingnan mo, ang taba mo.” So, ang ginawa ko, one week preparation bago kami mag-shooting…It was a conscious effort para pumayat. Marami akong na discover sa sarili ko. 20 to 25 pounds ang nawala, I did my own workout and diet sa sarili ko lang.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield