MAPAPANOOD NA ngayong Christmas time ang dalawa sa box-office films of 2019: Ang Hello, Love, Goodbye na pinagbibidahan nina Alden Richards at Kathryn Bernardo at ang Isa Pa, With Feelings nina Carlo Aquino at Maine Mendoza.
Sa bisperas ng Pasko inilabas sa Netflix ang kauna-unahang pelikula nina Alden Richards at Kathryn Bernardo bilang magkatambal. Sa katunayan, ito ang current highest-grossing Pinoy Film of All-Time! Kuwento ito ng dalawang OFW na nagkakilala at nagkainlaban sa Hongkong. Magkakaroon ng problema nang magdesisyon ang babae na mag-migrate sa Canada.
Sa totoo lang, hindi pa namin napapanood ang Hello, Love, Goodbye pero bongga ang mga reviews sa nasabing pelikula. Ibang level daw ang aktingan ng dalawang bida na hindi inaakala ng marami na magiging posible ang kanilang pagtatambal dahil sa magkaibang network sila nakakontrata. May ilan na hoping pa rin na magkaroon ng follow-up project ang dalawa in the near future. Why not, ‘di ba? Kung gusto ninyong panoorin ang pelikula, available na ito ngayon sa Netflix! Sa mga gustong umulit, feel free to do so!
Sa mismong pasko naman ay mapapanood na ang ‘Isa Pa, with Feelings’ na sina Carlo Aquino at Maine Mendoza ang mga bida. Tulad ng kaso nina Alden at Kathryn, surprise din ang tambalang ito. Kuwento ito ng isang babaeng architect named Mara na tila ‘lost’ sa buhay. Makikilala niya ang isang sign language teacher na si Gali. A friendship will be formed between the two, pero paano nga ba magpo-prosper into something more serious ang kanilang relasyon when there is a communication problem? Pero, problema nga ba ito?
Hindi man directly magkatambal sina Alden at Maine sa mga nabanggit na pelikula, win na win naman ang AlDub films dahil hindi lang isa kundi two films ng kanilang idols ang kanila nang mapapanood ng paulit-ulit sa Netflix. S’yempre, kasama na rin dyan ang fans nina Kathryn Bernardo at Carlo Aquino.
Kung hindi niyo pa bet manood ng MMFF o gusto niyo lang talagang mapanood ang HLG at IPWF, gora na sa Netflix!