Heneral Luna, ‘di pinaporma ang mga kalaban sa 34th FAP’s Luna Awards; 10 sa 12 tropeo, hinakot

 alt=

John Arcilla – Best Actor at the 34th FAP’s Luna Awards (Courtesy of Facebook: John Arcilla)
John Arcilla – Best Actor at the 34th FAP’s Luna Awards (Courtesy of Facebook: John Arcilla)

Hindi na halos nakaporma ang ibang mga nominado nang hakutin ng historical biofilm na “Heneral Luna” ang 10 sa 12 tropeo sa katatapos na 34th Film Academy of the Philippines’ Luna Awards na ginanap sa Quezon City Sports Club noong Linggo, September 18.

Kabilang sa napalunan ng nasabing pelikula ang Best Picture at Best Director para kay Jerrold Tarog. Tinalo rin ni John Arcilla ang mga bigating kalaban na kinabibilangan nina John Lloyd Cruz at Dennis Trillo para masungkit ang Best Actor trophy.

Napagwagian din ng “Heneral Luna” ang Best Supporting Actor (Nonie Buencamino), Best Screenplay (Henry Francia, E.A. Rocha, at Jerrold Tarog), Best Cinematography (Pong Ignacio), Best Production Design (Benjamin Padero at Carlo Tabije), Best Editing (Jerrold Tarog), Best Musical Scoring (Jerrold Tarog), at Best Sound (Mikko Quizon).

Ang “Heneral Luna” ay tungkol sa buhay at pakikipaglaban ni Heneral Antonio Luna para sa kalayaan ng Pilipinas noong panahon ng Philippine-American War.

Samantala, si Bea Alonzo ang nag-uwi ng Best Actress trophy para sa pelikulang “The Love Affair” at napunta naman kay Ana Abad-Santos ng pelikulang “Apocalypse Child” ang Best Supporting Actress trophy.

Habang ginawaran si Vilma Santos ng Golden Reel Award at binigyan ng Placque of Recognition si Jaclyn Jose.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articlePelikula nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, dinagdagan ng 80 sinehan
Next articleKim Chiu, naba-bash nang husto dahil sa reunion project daw nila ni Gerald Anderson

No posts to display