HINDI NA natuloy ang paglipad at pagbabakasyon ni John Arcilla, bida ng MMFF movie na Suarez: The Healing Priest sa Amerika na naka-schedule dapat nitong second week ng December.
Mas inuna ng aktor na nakilala rin bilang si Heneral Luna ang promo ng kanyang latest film kesa ang magpahinga mula sa kanyang hectic schedules sa FPJ’s Ang Probinsyano.
Gusto ring masigurado ni John na maipo-promote nang todo ang Suarez kaya naman lahat ng physical presscons, TV at online guestings ay pinaunlakan ni John. Sa totoo lang, nakakabilib ang effort na ipinakita ni John, huh!
“I want to help my producer and director para mas maging aware ang mga tao na may ganitong pelikula sa MMFF. Yung pahinga at bakasyon puwede ko namang gawin yan sa ibang panahon,” katwiran ng gumaganap na Fr. Suarez.
Nanalo na rin ng best actor award sa MMFF si John noong 1996 para sa pelikulang Mulanay. Pressured kaya siya na ma-duplicate ang unang best actor award niya sa MMFF this year?
Sagot ng aktor, “Hindi naman ako pressured. Minsan nasa award giving body at depende pa rin yan sa criteria ng jurors kung sino sa kanila ang nakapag-perform ng best sa lahat ng entries.
“Masarap pakinggan kapag nire-recognize nila ako at doon palang masaya na ako pero para manalo, well, bonus yun. Lahat naman kami gustong manalo.”
“Para sa akin it’s flattering, pero hindi ako naniniguro kasi hindi ko pa naman napapanood yung iba (kasali sa MMFF),” lahad pa ng aktor.
Mapapanood ang Suarez: The Healing Priest via Upstream.ph simula December 25. The film is directed by Joven Tan and produced by Saranggola Media Productions.