SA BIRTHDAY blow-out ni Quezon City Mayor Herbert Bautista sa mga entertainment press na nag-celebrate ng kaarawan mula January hanggang September ay siguradong aantayin ng press ang magiging reaction ni Kris Aquino sa binitawang pahayag ni Mayor Bistek na alam daw niya na may something ongoing between Kris and Derek Ramsay.
Sa mga nag-birthday naman mula October hanggang December na press, huwag magtampo dahil sila rin ay bibigyan ng pagpapahalaga ni Mayor Bistek. Ayon kay Mayor Bistek, inaayos na niya ito sa susunod na buwan para makasama naman ang mga kapatid natin sa panulat na nagdiwang ng kaarawan mula October hanggang December bukod pa sa isang bonggang Christmas party na iho-host din ni Mayor Herbert.
Ipinarating din ni Mayor Bistek ang kanyang suporta kay Sharon Cuneta nang malamang dumaan sa mid-life crisis ang Megastar.
Ayon kay Bistek, hindi raw niya alam na may pinagdaraanang mabigat na problema ang kanyang kaibigan actress.
“Nagte-text naman kami ni Ate Shawie, but I never though that she was going through such depression,” say ni Mayor Bistek.
Mensahe nga niya kay Sharon ay nandito lang daw silang mga kaibigan niya.
“Ate Shawie, nandito lang kami ha? I’m thankful that Juday (Judy Ann Santos) is a solid friend. Kapagka ano, nandito lang kami,” he said.
Tungkol naman sa political plan ni Mayor Bistek sa darating na election, aniya ay malamang na tapusin niya ang kanyang huling termino.
“I’m going for the third term pero depende rin ‘yan sa partido. If the party says that, “you run for higher office”, of course , I wil abide by the party decision.
“But personally, gusto ko siyempre re-elected ulit, kasi ‘yun na ang third and last term,” say ni Mayor Bistek.
Sa balitang kakandidatong mayor at vice-mayor ng Quezon City sina Noli de Castro at Ted Failon?
Sabi ni Mayor Bistek ay wala raw problema. Alam daw niya ay may standing order ang ABS-CBN na kapag kakandidato ang mga empleyado nila ay kailangang mag-leave na sila sa work nila sa filing pa lamang ng candidacy bago mag-election.
At sa October daw ay filing na ng candidacy ng sinumang gustong kumandidato. Nangangahulugan na kailangan nang iwanan ang kanilang trabaho.
Nang maungkat naman ang lovelife ni Mayor Bistek. Mabilis na tugon niya ay wala raw. Hindi raw siya committed to anyone. Committed daw lamang siyang sa kanyang mga anak at sa kanyang trabaho bilang public servant.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo