WALA MUNA raw sa pagkakaroon ng bagong lovelife ang interes ni Quezon City Mayor Herbert Bautista. Bukod sa kanyang pagiging public servant, sa kanyang mga anak daw siya naka-focus ngayon.
Totooo bang hindi pa ready ang mga anak niya para siya ay magkaroon ulit ng bagong karelasyon o kaya ay magpakasal?
“Hindi naman. Ready na rin naman,” nangiting pahayag ng actor-politician.
“Kaya lang, magdi-debut ang eldest kong si Athena. Ga-graduate pa lang ng high school ‘yong anak kong isa. Si Harvey, bata pa. Kai-eleven lang niya no’ng nakaraang linggo so… okey lang. I mean what happened really was an eye opener for my kids, e. ‘Di ba? And I pray that they become stronger because of that experience. And I think they are stronger.”
Ano ba ang reaksiyon o nasabi sa kanya ng mga bata hinggil sa mga nangyari dati at sa situwasyon ngayon?
“Wala. We never talked about it. Wala na. Hindi na kami nagkausap ng mga bata. We just have to build on the gains of the positive.”
Sa susunod ba na pumasok ulit siya sa isang relasyon, ipapakilala muna niya sa anak niya?
“Wala pa ako sa level na ‘yon. I think it took a while before Vic Sotto was able to bring his children together. I think that was just last year. And it was initiated by Danica (Sotto Pingris), ‘yong pinaka-panganay sa kanilang lahat. I also look forward to that day.”
Hindi ba malungkot na single na naman siya ngayon?
“I’ve always been single,” tawa na naman ni Mayor Herbert. “I’m not committed to anyone. I’m committed to my kids, to my work, and… ‘yon!”
But he wants to get married din somday?
“A… it would be unfair kasi, e. Unfair if I… basta! Alam n’yo naman ang drama ng buhay ko, e. ‘Di ba? So, I maintain my friendship and my respect to the mothers of my children. I’m seeking them forgiveness if I have done something wrong to all of them. But I thank them so much for bearing good children. God-fearing and respectful children. So, ‘yon!
“Kapag may mga presscon tinatanong ako lagi about getting married. E, oo naman. I’ve been wanting to. But you know, time does not allow it. Siyempre kapag nagpakasal ka kailangang may honeymoon. Paano ka magha-honeymoon kung nakaupo ka ngayon,” bilang public servant ang ibig sabihin ni Mayor Herbert.
E, bago siya naging mayor, ‘di may time naman siya kung kanyang gugustuhin?
“Nag-aral ako. I have to improve myself. Kulang ang panahon.”
May kumalat na balita recently na na-ambush daw siya. Bakit kaya?
“Oo nga, e. May lumabas sa social media that we were ambushed by the drug syndicate na inaway ko. E, hindi naman. Kung sinuman ang gumawa no’n. e… thank you. Dahil naging mas mahigpit ‘yong security ko ngayon. And mas active ngayon ‘yong Quezon City Police District para habulin sila.”
Wala sa imahe ni Mayor Herbert ang nananakit ng tao. Kaya marami ang nagulat sa insidente na nakasampal nga siya ng isang hinihinalang drug pusher.
“Immediately I have to say sorry, e. After that, tina-tap ko ang ulo niya na… pasensiya ka na, ha. Mabigat. Mabigat kapag gano’n.”
Natanong din si Herbert hinggil sa planong pagpapakasal nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa Immaculate Concepcion Cathedral sa may New York, Cubao kung saan lumaki nga siya at ang kanyang mga kapatid.
“Do’n din daw nga ipinanganak si Dingdong sa barangay namin sa Immaculate Concepcion. I’m happy. Nakakatuwa. Nag-congratulate na nga ako kay Dingdong through Facebook. Nag-message ako sa kanya. And walang rpoblema. We’ll take care of the security sa kasal nila. Gitna ‘yong church, e. Maraming mga daan at lagusan. We can close certain areas. Para ‘yong traffic hindi maapektuhan. Maganda ‘yong lugar na ‘yon where I was born. Nabinyagan nga kami roon.”
Ano naman ang sunod niyang plan patungkol sa politics?
“Of course I’m going for the third term (as QC mayor). Pero depende iyon sa partido. If the party says that you run for a higher office, of course I will abide by the party’s decision. But personally, gusto ko re-elect ulit. Kasi iyon na ‘yong third and last term ko.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan