BINIGYAN ng maling interpretasyon ng mga troll at bashers ni Former Quezon City Mayor Herbert Bautista ang isang post sa kanyang Facebook page na nagpaalala ng pag-iingat sa COVD-19.
Bahagi ng post ni Bistek, “Common sense is not a symptom of COVID-19, it is the reason you got the disease.”
Isang netizen ang bumanat kay Bautisa at sinabing ang mga frontliners ang pinatatamaan sa post niya bagay na kaagad namang nilinaw ni Bistek.
“Frontliner din ako. Alam ko ang hirap ng mga frontliners natin at saludo ako sa kanilang mga sakripisyo,” lahad niya.
Nakalimutan marahil ng netizen na isa ring frontliner si Herbert dahil isa siyang reserved general ng Armed Forces of the Phillipines. Sa kanyang termino, nagpatayo siya ng hospital at isinaayos ang mga dilapidated na. Tahimik din siyang tumutulong sa mga biktima ng pandemya sa Quezon City nang walang publisidad sa social media.
Kesa pansinin ang mga troll niya lalo na’t wala naman siyang pambayad, inaabala ni Herbert ang sarili sa pagpi-paint at panonood ng Koreanovelas gaya ng The World of a Married Couple, Vagabond at Misty.
Matatandaan na naging bahagi rin si Herbert ng teleseryeng Make It With You na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Hindi na tinapos ang teleserye dahil ipinasara ng Kongreso ang ABS-CBN.