ISANG BIG birthday party ang ibinigay ni Quezon City Mayor Herbert Bautista for the press last Saturday, August 23, 2014 na ginanap sa Sampaguita Compound. Siyempre, hindi maiiwasanG itanong sa actor/politician ang tungkol sa naudlot na romantic affair nila ni Kris Aquino. Alam natinG totoong hiwalay na sila dahil mas binigyan ng halaga ni Bistek ang kanyang pamilya.
Sa kuwento ni Herbert, matagal na palang magkakilala sila ni Kris.Noong time na active pa ang actor/politician sa paggawa ng mga pelikula under Viva Films. “Nagsi-shooting kami ng pelikula ni Aga Muhlach nan’dyan ‘yan kasama ang pinsan niya. ‘Yung pinsan niya, crush ko, si Rina. Nagkikita kami sa mga entertainment event, kung minsan nga hindi kami nagpapansinan. Nu’ng magkaroon ng opportunity na ganyan, du’n lang… not for politics. We have to go back, more than two decades. In fact, we just talk about kung ano nangyari sa buhay. Mostly ganu’n lang…”
May nagsasabi na sa lahat raw ng naging boyfriend ni Kris, si Herbert ang mas matimbang sa puso nito dahil ang actor/politican lang ang na-invite sa dinner ng Pamilya Aquino with PNoy. “But I don’t know… hindi ko alam. There was an early family gathering… Of course, dramatic ‘yung nangyari kina Joey (Marquez) at Kuya Ipe (Phillip Salvador). Medyo tanan yata ang dating nu’n… paggising ni Presidente Cory (Aquino) silang dalawa na, parang ganu’n. In the case of James (Yap) parang may ligawan yata ‘yun. Nagkaroon ng family dinner, parang ganu’n.
“Ako naman, kaya ako sumama sa family dinner, first time… Hindi ako naiimbitahan ng mga ganyang powerful na pamilya. Parang all of us, all invited by Queen Elizabeth. How would you feel? Ganu’n ‘yung feeling, inimbitahan ng presidente, pamilya ng presidente, dalawang presidente ng Pilipinas. ‘Yun lang ang pinaka-basic ko, no more than anything else.”
Ano ang na-realize ni Herbert after the break-up? “Masarap palang kumain ng libre sa restaurant. Sila kasi ang nagbayad…” pabirong pahayag ni Bistek.
Wala bang regrets si Herbert sa paghihiwalay nila ni Kris? “Wala, okay lang. Hindi na kami nagkita…”
Nagkaroon ba ng visual realization sina Herbert at Kris kung sakaling nagkatuluyan sila? “Hindi kami umabot sa ganu’n. Ang maganda ‘yung kina Marian at Dingdong, mayroon pa silang anak, natatawang sagot nito.”
Nagbigay rin ng saloobin si Herbert tungkol sa mid-life crisis na pinagdaraanan ni Sharon Cuneta. “Tulad ng nangyari kay Robin Williams, buti na lang Sharon is a strong person. She will show to herself she’s happy… Alam naman ninyong lahat, madrama ang buhay nating lahat.. She didn’t harm herself… specially her children. Nagulat ako, buti na lang Judy Ann Santos were there and friends eventually. Parang kami, nagte-text kami, she didn’t mention she’s going through mid-life crisis. Wala naman siyang binabanggit. Two days ago, ka-text ko siya.”
Inamin ni Herbert na dumanas rin siya ng matinding depression noong time na matalo siyang Mayor ng Quezon City. “Yes, when I lose in 1990 election, eventually nabago ko ‘yun kasi nag-aral ako. I focus my self into another thing which is productive,” sabi niya.
Sa ngayon nagpaplano si Herbert na magkaroon ng get-together party sa buong cast at production staff ng Sharon show. “Lahat ng kasama niya sa Sharon e-mail ko, party lang for her. Ate Shawie, nandito lang kami, ganu’n naman kami ni Mega, ‘Kuya, I love you…”
Maugong ngayon ang balita na tatakbo raw uli si Sony Belmonte bilang Mayor ng Quezon City, ano comment rito ni Herbert? “Walang problema ‘yun, I can be vice-mayor or I can run for another office. I’m willing to sacrifice dahil siya naman ‘yung boss ko. As this point, we never talk about politics. Sa ngayon ang pinaguusapan namin kung ano ang mangyayari sa anniversary ng Quezon City. Sa Quezon City Museum may bahagi ‘ru’n ng entertainment,” say ni Herbert.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield