MEDYO RELAXED na si Quezon City Mayor na mag-entertain ng tanong tungkol kay Kris Aquino. There was a time kasi lalo na no’ng kasagsagan ng issue sa kanilang dalawa na talagang um,iiwas siyang maging topic ang actress-TV host.
Tila okey na naman nga sila ni Kris. Sumalang na nga si Mayor Bister sa isang one on one interview ni Kris sa A & A (Abunda & Aquino) kamakailan.
“Ano lang ‘yon, e… dahil nag-guest ako kay Tunying,” pagtukoy niya kay Anthony Taberna na host naman ng programang Tapatan With Tunying. E… ang issue nga, ‘yong sampalan (insedenteng nakasampal siya ng isang Chinese national na hinihinalang drug pusher). So from there, kinausap ako nina Direk Arnel (Natividad) at saka no’ng producer (ng Abunda & Aquino). E, ‘di… sige, okey. Ayoko nga. Dahil siyempre baka humaba na naman ‘yong kuwentuhan.
“Pero I acceded. Because I know na ‘yong market na nanonood ng A & A (Abunda & Aquino) is different from Tunying (Tapatan With Tunying). Magkakaibang market ‘yon. So I have to explain kung bakit ko ginawa ‘yon (pananampla) do’n sa drug pusher.”
Nataon na wala si Boy Aunda at si Kris nga lang mag-isa. Hindi ba niya naramdaman na parang na-on the spot siya?
“Wala namang problema sa aming dalawa (ni Kris). Even if you watch the entire segment, it was purely professional, e. Okey naman siya.”
Habang ini-interview siya ni Kris sa A & A, may mga hirit at punchline ito patungkol nga sa mga naging issue sa kanilang dalawa dati?
“Typical Kris Aquino ‘yon, e,” sabay ngiti ulit na reaksiyon ni Mayor Herbert.
“At saka hindi… punchliner talaga ‘yon ng babae, e. Ano ‘yon, e… parang give and take, ‘di ba? Parang si Pugo at si Patsy,” pabirong pagtukoy pa niya sa sumikat na comic duo noong araw. “So… ako si Pugo. Siya si Patsy!” tawa pa niya ulit.
Hindi ba parang awkward ‘yong gano’n? “Hindi naman. Okey lang ‘yon. Natural kasi na mangyayari ‘yon. Natural.”
Isa sa nagmarkang hirit nga ni Kris, ‘yong… hindi raw nananakit nang pisikal si Mayor Herbert, sa damdamin lang.
“E… totoo naman ‘yon, e,” tawa ng actor-politician.
First time nilang paghaharap iyon ni Kris pagkatapos nitong magbuhos ng emosyon at magpahayag ng madamdaming statement sa The Buzz. Ang light naman yatang naging dating agad?
“E, magaan naman talaga ‘yong buhay, e. ‘Di ba? Siguro baka marami na siya…. ayoko nang magsalita! Hahaha! Marami na siyang ginagawa. Marami siyang iniisip. Marami siyang plano. Maraming nanliligaw siguro. ‘Di ba? Nandiyan si Derek (Rasay). ‘Di ba?” birong pahabol pa niya bago muling natawa.
“Nababasa ko sa diyaryo ‘yon, e. Wala namang ibig sabihin ‘yong sinabi ko. Puwede ko rin namang banggitin si James (Yap). Ang dami kong puwedeng banggitin. Okey lang naman kami.” ‘Yong estado ng friendship at samahan nila ni Kris ngayon ang ibig niyang sabihin.
“Wala ako no’ng nagsalita siya. Nasa London ako no’ng time na ‘yon. And then I saw it sa YouTube. And… that’s her reaction, e. Natural sa kanya ‘yon, e. We were both on the right time and age na gano’n ang reaksiyon namin. Iyon ang tingin ko.”
ISANG MEDICAL misson ang inorganisa ni DZMM anchor Ahwel Paz para sa mga kasamahan niyang taga-media. Ginanap ito noong Sabado, August 23 sa kanyang Dong Juan Restaurant, sa may Mother Ignacia Ave. cor. Sct. Reyes, Quezon City.
Ikalawang taon na sa ganitong paraan niya idinaraos ang kanyang birthday. Iba raw ang saya na nararamdaman ni Ahwel kapag nakakagawa ng munting tulong kahit sa simpleng means lang.
Inspiring ang success story ni Ahwel. Laki siya sa hirap at sa gilid ng riles ng tren nakatira ang kanyang pamilya. Bata pa ay katulong na siya ng kanyang ina na naglalako ng mga lutong ulam. Hanggang pinalad siya na maging isa sa scholars ng yumaong presidente na si Cory Aquino at nakatapos ng college.
Nakakuha rin siya ng scholarship at nakapag-aral abroad bago nabigyan ng opportunity na maging isa sa mga kilalang anchors ngayon ng DZMM.
Belated happy birthday, Ahwel!
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan