IKINATUWA NG movie industry nang sabihin ni Quezon City Mayor Herbert Bautista na willing silang saluhin ang nanganganib na pagsasara ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Nagbigay na kasi ng statement ang businessman na si Tony Boy Cojuangco dahil nagkukulang na sila ng pondo para sa mga mapipiling entries sa susunod na taon.
Kung sakaling magiging maayos ang lahat between Cinemalaya group at Mayor Herbert, magiging second home ng nasabing film festival ang QC. Lalong madaragdagan ng kakaibang event ang nasasakupan ni Bistek. Magiging center ng movie entertainment ang lungsod. Sa totoo lang, nasa QC naman ang halos lahat ng activities when it’s come to showbusiness, ABS-CBN at GMA-7.
Well, let’s hope for the best na walang intriga at aberyang mangyari. Maging maayos sana ang negotiation between Cinemalaya at Mayor Herbert Bautista. Abangan…
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield