OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! Maloloka ka talaga sa Earth! Don’t make your Monday a blue Monday.
Kumustahin naman natin ang isang singer na si DK Valdez. Talaga namang gustong makamit ang dreams niya, na nagsimula sa pagiging talent niya ng mga kilalang manager noon at sa isang bandang The Toys. Kaya lang, bigla siyang nawala sa mundo ng pagkanta rito sa Pilipinas, pero nabigyan naman ng karangalan sa ibang bansa mag-perform at talagang ibang klase raw ang mga Pilipino abroad, kinababaliwan. Ikaw na!
Naging bongga naman ang career ni DK doon at bumalik siya sa Pilipinas ngayon para mabigyan naman ng pagkakataon na ipakita niya muli ang talento niya rito sa atin. At sakto naman para i-launch ang kanyang first album na “It’s All About Love” at isa rin siya sa mga nag-compose ng mga kanta sa album, tulad ng ‘Tatanggapin Pa Ba Kita?’ na talaga namang akala mo, may pinagdaraanan siya.
Abangan na lang natin ang magiging concert niya pagbalik niya ulit dito sa Pilipinas, dahil hindi pa niya maasikaso sa dami ng offers sa kanya sa ibang bansa. Siyempre pa, ‘pag nag-concert daw si DK, gusto niyang makasama sina Angeline Quinto at Sarah Geronimo. Bongga! Bagay ang boses niya sa dalawang singer na ‘yun.
Good luck sa magiging career mo, DK… na hindi sumusuko maipakita lang ang maganda niyang talent sa ating bansa. Bihira ang ganitong singer na talaga namang ibang klase kung lumaban sa kanyang pangarap. At naging bongga ang album niya, dahil naging no. 1 sa Astro Plus at Astro Vision.
Ano pa bang klaseng pagkilala ang gustong makamit ni DK Valdez? Nand’yan ka na sa pangarap mo, congrats!
MALOLOKA TALAGA ako sa Earth! Malayo pa ang eleksyon pero kalat na kalat na sa Quezon City na ang maglalaban-laban sa pagka-mayor ng lungsod ay magkakalaban ding network!
Kaloka talaga! Kasi ‘pag nagkataon, hindi lang masaya ang labanan kundi, it’s more fun in Quezon City. Kasi, hindi naman bibitawan ni Herbert ‘Bistek’ Bautista at wala itong balak bitawan ang puwesto niya bilang alkalde ng Q.C. at ibigay kay Joy Belmonte. Usapan daw kasi ito bago ibinigay ni dating Mayor Sonny Belmonte ang suporta kay Bistek.
Pero maraming nagsasabi na kung ibigay ito ni Bistek, sira ba ang ulo niya? Magmumukhang katawa-tawa raw siya ‘pag nangyari ito.
Ayon pa sa tsika, mahirap iwanan ito ni Bistek, kasi pang-2nd term lang niya ito, dahil gusto raw niyang ipagpatuloy ang kanyang mga proyekto na hindi kaya ng isang term lang. Kaya lang, maraming ayaw na raw kay Bistek, lalo na ang mga mahihirap sa Q.C. Kasi mahirap na nga, lalo niya pang pinahihirapan itong mga nasa depressed area, na kung kakandidato pa raw ulit ito, 99.9%, wala na siyang makukuhang boto na dati ito ang nagpanalo sa kanya. Kahit itanong mo pa kay Mike Defensor.
Maugong kasi ang tsika na babalik si Speaker Sonny Belmonte bilang QC mayor, para labanan si Bistek. Kasi mukhang mahina ang kanyang anak na si Vice Mayor Joy Belmonte. Mukhang tagilid daw ito kay Bistek kung one on one ang labanan.
Ngunit subalit, magiging makulay ang labanan sa darating na 2013 dahil maugong ang tsika na ang main host ng Eat Bulaga na si Vic Sotto ay tatakbo rin, gayundin daw ang dating vice president na si Noli de Castro, at lately, lumutang ang ambisyosong si Willie Revillame na my plano ring tumakbo bilang mayor ng Q.C.
isa lang talaga ang napupuna ko kung matuloy ang labanan ng tatlong ito, labanan na naman ito ng tatlong network hindi lang sa showbiz, kung hindi maging sa pulitika. Kasi nga, ang mga tatakbong mayor ay ga-ling sa Dos, Siyete at Singko.
Kaya tagilid si Bistek ‘pag nagkataon. Walang lulusot na artista sa Q.C. Kung tumakbo ulit si Mike Defensor, baka manalo na ito. ‘Yan ang say ng aking parazzi girlaloo.
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding