Herbert Bautista, takot na takot kay Vic Sotto!

KULANG NA lang ay manikluhod si Quezon City Mayor Herbert Bautista kay Vic Sotto, ang maugong na tatakbong alkaldeng makakabangga niya sa 2013 elections.

Kasabay nito ay ang abut-abot na panalangin ni Bistek na huwag daw sanang ituloy ni Bossing ang kanyang plano (as of presstime, wala pang nanggagaling na kumpirmasyon mula kay Vic if it’s all-systems-go in his pursuit of a political career).

Herbert has cited a number of reasons to dissuade Vic para banggain siya. Una, alam naman daw ni Bossing na marami pa siyang dapat gawin bilang punong-bayan ng nasabing siyudad. Ikalawa, parang ipinatatanaw ni Herbert kay Vic ang pinagsamahan nila noon sa trabaho.

But that was showbiz for both of them, iba ang pulitika.

With Herbert’s pronouncements, hindi lang niya maamin na may tulog siya kay Vic kung tuluyan nitong ikakasa ang kanyang mayoral plan.

Malaking bentahe ni Bossing ang kanyang pagiging sikat na personalidad, both on TV and in movies. Milya-milyang agwat ito kung ikukumpara kay Herbert who lacks the best of both worlds, yet nanalo siya noong 2010 elections by marginal votes kung tutuusin sa nakatunggali niyang si Mike Defensor na ‘di hamak na mas deserving manalo.

Kung tama ang aming recollection of a story once shared  by Joey de Leon sa amin, among the Sotto brothers, ang talagang may ambisyon sa pulitika way ahead of his showbiz career ay si Vic, not even his elder brother Senator Tito Sotto (hindi ito dapat pagtakhan dahil mula sa pamilya ng mga pulitiko ang angkang Sotto).

Seeing Herbert and Vic battle it out in the mayoral race, if ever, is perhaps the most exciting showbiz rivalry in local politics. Between Bistek and Bossing, sino kaya ang bet ng mga taga-Kyusi?

THERE SEEMS to be a “strange quiet” sa tila nanahimik nang kaso ng pamilya ni Albie Casiño laban sa mga kumuyog at nambugbog sa young actor in an incident that took place exactly 20 days ago.

Mula ng pangyayaring ‘yon, desidido ang pamilya Casiño na papanagutin ang mga tinukoy na salarin base sa idinulog nilang reklamo sa pulisya. May legal na hakbang din daw silang gagawin in seeking due justice for Albie.

But more than two weeks have lapsed, walang ulat tungkol sa latest developments ng kasong isinampa ng pamilya Casiño. Even the other party or parties, accused in the alleged manhandling of Albie, have ceased to speak on the case.

Ayaw naming isipin — based on Andi Eigenmann’s documented words addressed to Albie after the Fiamma Bar bugbugan incident — na “hindi mo kaya ‘yan!” referring to her ex-boyfriend’s assailants. As reported, isa sa apat na ‘yon ay pina-ngalanang Jake Lacson, anak ni Senator Ping Lacson.

With the disturbing quiet from the Casiño’s camp, may kunek kaya ang kanilang pananahimik sa posibleng intervention o panghihimasok ng mga taong may kapangyarihan?

So, what is it this time for the Casiño family na humihingi ng hustisya para kay Albie… GAGGING after GANGING?

KASING-SMELLY NG fish section sa palengke ang kuwento ngayon ng Face To Face na pinamagatang Tindera Ng Isda Na Amoy Bilasa, Ipinagpalit Ni Boy Palengke Kay Hasang Girl Na Mabango’t Sariwa! Mas pinili ni Totoy na makisama kay Geraldine kesa sa dyowang si Aruray dahil aniya, ga-kalabaw raw kung kutuhin ito kaya nagpakalbo siya. Bukod pa raw rito ang masyohong amoy ni Aruray. Pagtataray naman ni Aruray kay Geraldine na bukod sa nang-agaw na ng kanyang dyowa ay magnanakaw pa ng kanyang timbangan, mag-amuyan na lang daw sila ng kili-kili para magkaalaman kung sino raw talaga ang mabaho!

Kaibigan, usap na lang tayo next time. Kuya Boy, ako ba ‘to?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleRochelle Pangilinan, pakakasal kay Arthur Solinap kahit sa tabi-tabi lang!
Next articleDirek Jerome Pobocan, may kaba pa rin sa tambalang Coco Martin-Angeline Quinto?

No posts to display