ANG TAWAG namin sa kanya ay The Working Mayor”.
Ang tinutukoy namin ay si Quezon City Mayor Herbert Bautista na last Monday ay humarap siya sa mga reporters para magbigay update sa mga kaganapan sa kanyang kinasasakupan.
Sa pagbabalita ni Mayor Bistek tungkol sa current state ng mga health related projects niya ay mas pinadali na para sa mga mamamayan ng Kyusi ang mga gagamit sa mga services ng mga LGU lying-in hospitals and clinics na kinasasakupan ng Siyudad.
Ayon kay Mayor, hindi lang panganganak ang dapat na maging concern ng mga future nanay at ng mga kababaihan kundi ang preparasyon ng panganganak nila na dapat ay alalayan din at bantayan para maiwasan at mabawasan ang pagtaas ng death rate sa lungsod ng mga batang ipinapanganak.
Kumbaga, ipinagmamalaki ni Mayor Bistek na upgraded na ang mga government clinics and hospitals sa QC sa tulong ng private sectors.
Sa isinagawang Maternal and Neonatal Health Summit 2017 kaninang lunchtime, Monday, November 20 ay nagbigay ng update si Mayor Bistek tungkol sa mga proyekto niya para sa health concerns ng mga kababaihan at sa mga future nanay.
Sa katunayan, nagbiro nga si Mayor Herbert at nanawagan kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna na pwedeng-pwede na ang mga “lying-in clinics at hospitals” kapag kailangan na ni Ellen (referring to the rumor na buntis ang sexy star at si Lloydie ang daddy).
Sa ngayon, wala pa sa priorities ni Mayor Bistek ang darating na eleksyon sa 2019. “Malayo pa. Ang dami pa dapat ayusin at asikasukin para sa mga constituents ko,” sabi niya sa amin.
Maging ang pagbabalik-showbiz niya bilang isang artista ay wala pa sa priority din ni Mayor Bistek.
“Siguro pag nakaluwag ako sa schedules ko. Hayaan mo, kausapin ko si Harlene (kapatid niyta) na involved naman sa pagpo-produce ng mga pelikula.
Reyted K
By RK Villacorta