IBA’T IBA ang lumalabas na findings sa pag-inom ng kape. Pabago-bago. Nagdudulot daw ng nerbiyos kaya masama sa puso. Sa ibang pananaw, ang kape raw ay nakagagamot sa kanser at iba pang sakit. Dagsa pa ang iba.
Dati-rati, coffee addict ako. 8 hanggang 10 tasa maghapon lalo na kung under pressure at may sinusulat. Ang kabiyak ng pag-inom ng coffee ay paninigarilyo. Swak na swak ang dalawang ito paggising sa umaga habang nagbabasa ng dyaryo. Ang reaksyon ng kape ay iba’t iba sa iba’t ibang tao. Marami ring nakatutulog ‘pag maraming nainom nito. ‘Di iilan ang ‘di makatulog ‘pag ‘di nakainom ng kape. ‘Yong una ang paminsan-minsan ay reaksyon sa kin.
Araw-araw sa buong mundo, libu-libong business transactions ang nagagawa habang umiinom ng kape. Kasabihan na ‘pag may burol, may kape. Sa mga opis ng TV-radyo at pahayagan, tasa-tasang kape ang nakukunsumo para malampasan ang deadline. Sa madaling salita, ang kape ay kasama na sa minu-minuto nating pamumuhay, paglalakbay, pakikibaka sa problema o pagdiriwang.
Sa mga naglipanang yagit sa lansangan, ang hi-gop ng kape sa umaga ay isang malaking pasasalamat at kaligayahan ng kanilang tigang at mahapding sikmura.
Kamakailan lang ako huminto sa kape. Na-diagnosed kasi ako ng hyperacidity o pangangasim ng sikmura sa umaga at ‘pag minsan bago matulog. Banned na sa akin ang soda o ang carbonated drinks. Lalong-lalo na ang kape. Ngunit ‘pag minsan, ‘di ko rin matiis. Kaya sumisimple ako.
Kapeng Batangas o Barako ang dati-rati’y trip ko. Ibang klase ang brew lalo na ‘yong black coffee variety. Ayoko ng decaffeinated. Walang tadyak sa litid at sikmura.
Ang aking son-in-law, John, ay may strange fascination sa kape. Super ang investment niya sa pagbili ng kung anu-anong gadgets sa pag-brew ng kape. At napakahusay niya. ‘Pag may party sa bahay ang toka at specialty ay mag-brew ng kape. Subalit magtataka kayo: ‘di siya umiinom ng kape. ‘Di maipaliwanag na kasiyahan niya ang makitang umiinom ng kanyang tinimplang kape ay nasisiyahan.
SAMUT-SAMOT
PAGKARAAN NG dalawang taon, nakapasyal muli ako sa Maynila nu’ng nakaraang linggo. Nagtungo ako sa isang kaibigan sa Taft Ave. Pagpasok pa lang sa lungsod, halos mahilo na ako. Masalimuot na trapik, madumi at mabahong lansangan, salimbayan ng tricycles at kahit mga kariton. Ni isang pulis, wala akong nakitang nagmamando ng trapik. ‘Ika nga, to each his own.
PAGDATING KO sa PWU Taft, nalungkot ako. Ang da-ting makasaysayang paaralan ay labis nang niluma ng panahon. Sa tapat nito nagkalat ang nanglilimahid na pulubi at sidewalk vendors. Basura at iba pang dumi nagkalat. Sa wakas, nakarating din ako sa pupuntahan ko. At pinangako kong di na muli ako babalik sa Maynila.
ANG TRABAHO ko kasi ay Makati, Taguig at Ortigas ang teritoryo. Dito iba ang daloy ng buhay at negos-yo. Mahusay na andar ng trapik, malinis at maluwag na lansangan at bawas ang air pollution. Kabaligtaran ng Maynila. Bakit nagkaganito ang Maynila? Mahigit din akong 2 dekadang nanirahan sa Bacood, Sta. Mesa at Pandacan. ‘Di naman sila kagaya ng sitwasyon nila ngayon. Tunay na napabayaan na ang kapakanan ng Maynila. Sa kamay ng mga sakim at kapit-tukong pulitiko napariwara ang lungsod. Panahon ng pagbabago!
MABUTI AGAD-AGAD naibigay ang delayed salary increases at fringe benefits sa mga DOST employees. Commendation is in order for P-Noy. Sana’y ganitong kabilis na aksyon ay makamit din ng ibang low-salaried government workers kagaya ng mga public school teachers. Ang pumanaw kong ina ay naging school teacher sa loob ng 4 na dekada. Ang maliit niyang sahod kasama ng sa aking butihing ama ang nagpaaral sa aming apat na magkakapatid. Napakahirap ng buhay noon. Ngunit kami’y nagsumikap. Panahon na upang taasan ang suweldo ng mga public school teachers para umangat ang kanilang uri ng buhay. Sila ang tunay nating bayani. Trabaho lang, walang reklamo.
EWAN KUNG ano ang ipinahihiwatig ni Vice Ganda sa kanyang mga programa. Walang personalan su-balit talagang ‘di ko malulon ang kanyang gimik ng kabaklaan. Mga apo ko, pinagbabawalan kong manood sa kanya. Walang hahantungang maganda o ang value formation. Bakit ba natin dinadakila ang kabaklaan? Masdan din natin ang karamihan mga teleserye. Puro intriga, away, kaliwaan at krimen ang highlights. Wala na bang maipakitang positibo?
WALA PA sa kalagitnaan ang term ni P-Noy ay pinag-uusapan na ang 2016 eleksyon. Naiinip na ba tayo sa makupad na takbo at aksyon ng Pangulo sa suliranin ng bayan? Maaari. Kasi hanggang ngayon halos wala pang nangyayari. Pareho pa rin ang uri ng buhay ng Pinoy. Puro reaksyon lamang sa mga problema. Walang grand strategy or plan. Kung saan na lang tayo dalhin ng mga pangyayari. Pinag-uusapan din kung tatakbo sa pagka-pangulo si Sec. Mar Roxas. Marahil. Subalit nanaginip siya ng panalo. Lalampasuhin muli siya ni VP Jojo Binay.
KITKITAN ANG labanan ni Obama-Romney sa U.S. presidential election sa Nov. Sa mga surveys, lamang lang nang kaunti si Obama. Subalit mabilis na humahabol ang kalaban. Main isyu ay ang bagsak na U.S. economy na diumano mismanaged ni Obama. Si Romney ay isang multi-millionaire businessman at kasalukuyang governor ng Michigan. Iba nang uri ng halalan sa U.S. Clear-cut ang pinagtatalunang issues. May personalan din. Subalit over-all high level ang uri ng campaign.
“MISS KITA ‘pag Christmas” obra maestrang awit ni Susan Fuentes. Nakinig ko nakaraang linggo sa “Yesterday” program ni R.J. Richard sa DZMM. May kurot sa laman at buto. Kaibang uri ng lyrics at tinig ng mang-aawit. Kaya dapat nating tulungan si Susan na ngayon ay may malubhang karamdaman.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez