Hiking ba ‘ka mo?

ALAM NATING lahat na kapag bagong taon, lahat tayo ay nananabik na sumubok ng bago. Isa na sa mga nasa bucket list ng mga bagets ngayon ay ang pag-akyat ng bundok o hiking. Kakaiba kasi sa pakiramdam na masasabi mo na ikaw ay nakaakyat ng bundok. Lalo na kung ikaw ay magkakaroon ng larawan sa summit ng bundok. Paniguradong makaiipon ng maraming likes ang larawan na iyan! Idagdag mo pa ang feeling na parang ikaw ay hari o reyna ng mundo kasi kapag nasa summit ka na, parang na-conquer mo na ang buong mundo.

Para sa mga first timers o beginners, sikat na sikat na top hiking places ang Mt. Batulao, Mt. Balagbag, at Mt. Palay-Palay.

Ang Mt. Batulao ay number one mong maririnig hindi lang sa mga first time hikers kundi pati sa mga experienced hikers. Ito ay may taas na 811 meters above sea level. Puntahan ito ng mga hikers kasi nga wala pang dalawang oras ang layo nito mula sa Maynila. Ang overlooking dito ay ang Tagaytay at Nasugbu. Sabi ng mga nakapunta na rito, matapos mong marating ang summit, may 10 meter rope kang makikita na siyang gagamitin mo para makababa. O, ‘di ba? Kakaibang experience ‘yun! Nakatatakot pero exciting!

Ang Mt. Balagbag naman ay may taas na 777 meters above sea level. Gaya ng Mt. Batulao, wala pang dalawang oras ang layo nito sa Maynila kaya puntahan ito ng mga hikers. Sinasabing ito ay isa sa pinakamadaling hiking destinations na malapit sa Maynila. Ito rin ay parte ng Sierra Madre mountain ranges sa Rodriguez, Rizal. Recommended dito na kung ikaw ay magha-hiking sa Mt. Balagbag, siguraduhing mas piliin ang mag-afternoon hike or night treck para hindi matusta nang husto sa init ng araw dahil nga open trail ito. Wala kasing mga puno-puno na puwedeng silungan dito.

Alam n’yo rin ba na puwedeng makapag-trail ang mga nagbibisikleta at nagmamaneho ng 4×4 truck dahil sa lawak ng grassland nito? Kaya ngang maglagay ng 20 na camping tents nang sabay-sabay. Ang maganda pa rito, kapag nakarating ka na sa summit, ang overlooking mo ay ang mga city lights.

Isa rin sa pinakasikat na hiking site sa Pilipinas ay ang Mt. Palay-Palay sa Pico De Loro. Ito ay may taas na 664 meters above sea level. Ito ay ikino-consider na magandang hiking site para maihanda kayo sa isang mas mabigat, mas mahirap, at mas mataas na hiking experience. Sabi nila, mas magandang mag-overnight stay sa Mt. Palay-Palay. Ito rin ay located sa DENR protected area. Punung-puno ng mga puno ang site na ito. ‘Yun nga lang, medyo makararanas ka ng hirap dito dahil steeper ang daan dito. Talagang nakapapagod akyatin ang nasabing bundok. Pero kapag narating o nakita mo na ang tinatawag nilang ‘monolith’ o ‘Parrots beak’, isang napakagandang rock formation, masasabi mong worth it lahat ng pagod at paghihirap mo. Ang overlooking dito ay 360 degrees view ng Cavite at Nasugbu.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

Previous articleBea Alonzo at Zanjoe Marudo, totoong break na
Next articleNora Aunor, ‘di pa sigurao sa “Walang Tulugan”

No posts to display