KUNG ANG ho-kus-pokus na manghuhula na si Madam Auring, ang tawag niya sa sarili ay “may asim” pa tulad ng kamias, si Hilda Koronel naman “maanghang”.
Tama ba ang comparison ko? Mukhang hindi fair yata para sa de kalibreng aktres ng nasirang si Lino Brocka na ikumpara sa isang pipitsuging si Madam Auring.
Anyway, I remember Ms. Hilda during my early years in showbiz in the early 80s. May pelikula siya with Viva Films kung saan si Tita Mina Aragon (namayamang misis ni Vic del Rosario) pa ang humahawak ng PR ng kumpanya (I love her being the super PR of the company compare sa mga bagong pr ngayon na hindi marunong mag-pr).
Nag-set ng interview si Tita Mina sa amin exclusively for Hilda for Movie Flash magazine ng GASI, kung saan si Kuya Mar de Guzman ang editor nu’n.
It was fun interviewing Hilda at that time habang ang ibang mga kasamahan namin sa entertainment media ay medyo ilap sa aktres dahil sa pagiging outspoken and frank niya sa kanyang mga sagot. At that time kasi, hindi pa matatalas ang mga dila at isip ng mga showbiz celebrities nu’n, na unlike Ms. Koronel, kung ano ang nakikita mo sa kanya, siyang-siya ‘yun. In short, what you see in her is what she is.
Kaya nga sa mga eksena niya sa pelikulang The Mistress ng Star Cinema, hindi nalalayo ang pagiging matabil ng lengguwahe niya sa pelikula lalo na sa mga eksena nila ni Bea Alonzo.
Hindi pa man naipalalabas ang pelikula, classic na sa mga beki, lalo na sa mga parlor ang binitiwan niyang linya sa pelikula kay Bea na “Layuan mo ang asawa ko. Tagalog ‘yan para maintindihan mo.”
How I wish sana ang mga bagong artista natin ngayon will be as smart, straight forward and frank just like Ms. Koronel.
Nami-miss ko na ang mga artistang tulad nina Sharon Cuneta, Kris Aquino and Dina Bonnevie.
Ayaw ko nang marinig ang mga showbiz statement ng mga bagets star na, “we’re friends” pero kamuka’t mukat mo ay nabuntis na pala siya ng “kaibigan” niya.
NASA ISANG chicken & pork restaurant along Timog Ave. in Quezon City kami ni Fernan de Guzman aka Ms. F last Saturday night.
Inihatid niya kasi ang Certificate of Nomination ni Cathy Go, one of the nominees sa Star Awards for Music come Sunday sa Meralco Theater.
SRO ang venue. May sariling follower na si Catchy whose career was launched this year with her self-titled album. Ang galing niya on stage. She belts-out music of Alanis Morisette, Indigo Sisters at mga rock and roll greats ng music world.
Ang maganda kay Cathy, she can play the guitar while singing na hindi keri ng ibang mga performers like her na batam-bata pa.
Cathy by the way is being managed by Chen Sarte; former lover-business partner ni Aiza Seguerra. Tuloy, tanong ni Ms.F sa amin, “Siya kaya ang ipinalit ni Chen kay Aiza?”
As talent, yes. Sa puso ni Chen? Ewan!
Reyted K
By RK VillaCorta