YENG CONSTANTINO. Isang alagad ng pag-ibig (‘Un disciple de l’amour). Ito ang tawag sa kanya ng kanyang mga fans at sa isang site tulad ng ‘Tumbler’. Sa mga music video niya, maituturing ko itong makabagong istruktura ng ideya at konsepto sa musika sa modernong panahon. Umaakit sa mga milyon na fans nito ang mga music video sa YouTube ng ‘Rock Princess of Modern Music’.
Isa akong tagahanga ng mga lovesongs at mga balladeers. Hinahangaan ko ang tulad ni Nat King Cole sa walang kupas at klasikong awitin na ‘When I Fall in love’, ‘Smile’ at Patti Page sa kanyang ‘Crazy’ na ni-revive muli ni Norah Jones, nakilala naman sa awiting ‘Don’t Know Why’. Ang hinahangaan ko pa ay si Michael Buble sa kantang ‘The Way You Look Tonight’ at ‘Save the Dance For Me’. Si Louis Armstrong sa kanyang ‘Wonderful World’. Sa mga rock music naman ay ang Scorpion, The Kiss, Led Zeppelin, Nazareth, Guns N’ Roses, Von Jovi, Eagles, Scorpions, Rod Stewart, Eric Clapton. Sa folksong naman ay sina Cat Steven, Air Supply, The Beatles at Chicago. Sa mga OPM naman sa mga lalaki ay sina Rico J. Puno sa kantang ‘The Way We Were’. Victor Wood sa ‘Mr. Lonely at Pearly Shells’. Wow! Hawaiian songs, hahaha! Sa folksong ay ang Asin at ang Hari ng Jeproks Mike Hanopol sa ‘Laki sa Layaw Jeproks’. Kelan lang naka one-on-one natin ang ‘Rock N’ Roll Man’ na si Pepe Smith at syempre ang hinangaan ng buong mundong awitin ni ka Freddie Aguilar na ‘Anak’. ‘Wag nating alisin si Rey Valera. Sa mga babae naman ay sina Nora Aunor, Sharon Cuneta sa kanyang ‘Mr DJ’, si Jolina Magda-ngal, ang bida ng ating kuwento na si Yeng sa kantang ‘Jeepney’ at ‘Himig ng Pag-ibig’ ni Lolita Carbon.
Okey, pasadahan natin ang concert ni Yeng noong February 3, 2012 sa Music Museum na pinamagatang “Okey Lang Maging Single sa Valentine’s”. Sold-out ang nasabing concert at dinaluhan naman ng guest artists na sina Jovit Baldivino at Paolo Valenciano na pa-rock naman para sa manonood.
Ah, Yeng, pang-ilang concert mo na ‘to? “Bale, pangatlo po. Excited po ako. It started last year; ‘yung… ‘yung sa ‘yo ‘yung ideas. Parang ibuhos. Parang sinimulan ko nang ibuhos ‘yung ideas. ‘Yung manager ko, gusto n’ya kung ano ‘yung gusto ko sa concert ko. And then now, ako na ‘yung nagko-conceptualize. At for sure, ‘yung mga susunod kong concert, iko-konsepto ko na naman. And it’s something na sobrang nakakatuwa para sa mga artists kasi expression namin ‘yun kung sino kami, eh. You choose your line-up, you choose your musicians, you choose what you wear. Parang ipinapakita mo sa tao na, ‘this is me’, this is what I believe in.”
Naks! Kaya, isa ako sa mga napahanga mo, Yeng, eh! Talagang artist ka nga. Kung ano ‘yung gusto mo, gagawin mo. Ipakikita mo sa damit at sa acting. Ang galing, ang galing! “Salamat, salamat!” Ani ni Yeng.
Kumusta naman ‘yung mga father at mother mo? “Okey, naman.” Are you living in Laguna? “Ah, sila Mama po sa Rizal, ako naman sa Mandaluyong.” Ah, ako naman taga-Muntinlupa ako, sa kulungan ako, hehehe! “Ano naman ako, sa Mental Hospital! Hihihi!.” Sadya talaga siyang kalog na artist.
Ano ang bago mong music video. “Lalabas pa lang, gagawa pa lang ako.”
Nabanggit ko kung okay kay Yeng kung maigagawa niya ako ng kanta tungkol sa isang artist-painter na maaaring mailagay ko sa Youtube or CD at igagawa ko naman siya ng paintings. At tinanong ko kung anong gusto niyang konsepto sa painting at naks, modern din. Anyway, abangan na lang natin.
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments, email: [email protected], [email protected], cp # 09301457621
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia