TATLO SA mga alagad ng sining ang ‘di inaasahang nasawi sa isang aksidente. Ito ay nangyari noong papunta ng Bontoc upang magsagawa ng kanilang mga proyekto ukol sa kalikasan. Masakit sa mga naulila at mga matalik na kaibigan ang kanilang pagpanaw.
Sila ang mga taong nagpasaya at nagbigay-aliw. Nagbigay sila pag-asa sa mga taong nakakakilala sa kanila. Bukod dito, ang tatlong ito ay magkakasama sa adhikain ng pagbabago para sa mga nagaganap sa ating bansa.
Hindi maiwasang magalit at maghimutok sa mga nagpapatupad ng mga kulorum na bus ang kilalang indie director na si Sigfried Barros Sanchez:
“Kanina pa gustong bumuhos ng luha ko. Dalawa sa matatalik na kaibigan ko at kumpare na nakilala noong una akong sumabak sa pagdidirek at isang kasamahan sa industriya ng paggawa ng indie film na naging artista ko sa pelikula ang magkakasamang binawian ng buhay sa pagbagsak ng bus sa Mountain Province.
“Nagle-lecture pa lang ako sa Claret High School para sa isang film workshop nang mag-text sa akin ang kapatid ko at sinabing huwag daw akong mabibigla at ayon sa isang balita ay namatay ang kaibigan at musikerong si Debid Sicam sa isang bus accident sa Mt. Province.
“Sa bus pauwi, halos pigil-luha na ako na nakikipag-text at nakikipag-usap sa dalawa pa naming kaibigan na sina Richard Barnett at Jopher Ofrasio tungkol sa nangyari sa kaibigan namin.
“Nakatulog lang ako sa bus nang ilang minuto nang mag-text muli ang kapatid ko at sinabing huwag ulit akong mabibigla dahil kasama rin daw sa mga namatay ang isa ko pang kaibigan at Solar News Channel Chief Editor na si Bam Morillo sa mga nasawi.
“Tapos, nu’ng dumating ako sa Heckle and Jeckle sa may Makati para sa isang meeting at casting na isinasagawa ni Ian del Carmen para sa isang foreign film, ibinungad naman niya sa akin na kasama rin daw ang kasamahan sa industriya at naging minsan ko nang artista sa isang indie film na si Tado Jimenez sa mga nakasakay rin daw sa bus na ‘yun at namatay.
“Gusto ko nang umuwi nang mga sandaling ‘yun at ibuhos lahat ng luha na kanina pa gustong bumagsak mula sa mga mata ko. Pero, sinubukan kong ngumiti at makipagtawanan sa mga nag-o-audition na mga tao sa loob ng venue na ‘yun kahit na nanginginig na ako sa lungkot at ilang beses nang tumataas ang balahibo ko kapag naaalala ko silang tatlo.
“Paalam. Isang masakit na paalam. Magmamarka kayo sa puso ko at hindi ko na mabubura ito. Nandito na kayo. Nakatatak na kayo. Mahal na mahal na mahal na mahal ko kayo. Hindi ko man nasabi sa inyo ito pero mahal ko kayo, mga kaibigan ko.
“Habang pinagmamasdan kita kanina, hindi ako makapaniwala na ikaw ang kaibigan ko na nakilala ko. Pitpit ang ulo mo at halos lumapad na ang mukha mo dahil sa pagkakadagan siguro ng bus sa iyo. Hindi ko na tiningnan ang kabuuan mo pero sabi nila nahati din daw sa dalawa ang katawan mo.
“Hindi na sana ako tumingin para hindi ko na nakita ang kinasapitan mo.
“Hindi ko man lang nasabi sa kanya ang isang maliit na salita bago siya umalis. At ‘yun ang madalas niyang sabihin sa akin kapag tinatawag niya ako… “Papi”. — Para kina Guan Chuy, Richard Barnett, Smallcommu Droy Quiogue, Da Roj Queppet, Gerald Balane, Rowell Sharon Samartino Cornejo,Leo Velasco, Jopermeister Red, Bhoks Onin Abelgas, Datu Ng Esquinita, Hazel Pearl Yu-Dimaculangan, Jay Sayas, Jam Garcia, at iba pang mga chuynards na katropa.”
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.Top of Form
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia