NADUWAG PALA si Diether Ocampo kay John Lloyd Cruz.
‘Yan ang lumalabas dahil kalat na kalat na sa showbiz na hinamon ng suntukan ni Lloydie si Diether matapos magsumbong sa kanya ang dyowang si Angelica Panganiban.
Rumor has it that John Lloyd was so pissed off when he learned na nasaktan si Angelica sa isang eksena niya with Diether sa Apoy sa Dagat.
Na-carried away yata si Diet sa eksena kaya imbes na bag ang ihagis kay Angelica ay pati flower vase ay hinagis nito sa dalaga. Ayun, nagkasugat daw si Angelica sa paa.
Like a knight in shining armor ay kaagad na sumugod daw itong si John Lloyd to confront Diet. Nagkasagutan daw ang dalawa until naghamon daw ng suntukan si John Lloyd. Hindi naman pumalag si Diet.
Two weeks ago ay nag-post si Angelica sa kanyang Instagram account ng ganito: “Intsill work ethic!”
It came with this message: “Important ito :) haist….. Diba???!!!! Bato bato sa langit.. Ang tamaan… Sana matuto. I’ve been very patient with you… Actually hindi lang naman ako.. lahat kami.. May hangganan ang bawat tao.. Ayoko na!! #WhatHappened2You.”
It appears na si Diet ang kanyang pinaparinggan sa kanyang mensaheng ito.
NAG-DENY NA si Marjorie Barretto na siya ang nasa scandalous photo na lumabas kamakailan.
Marjorie’s denial came very short.
“No, that’s not me. I would never do something like that. That’s not my nature,” sabi niya sa isang entertainment website.
But it appears that Marjorie needs to explain something pa rin. Lumabas kasi sa social networking sites ang isang letter na galing diumano sa kanyang ex-husband na si Dennis Padilla.
We were able to read the letter and it was really meant to destroy Marjorie and a politician na nali-link sa kanya. Nakakasira talaga ang sulat.
Ang sabi sa letter, ‘wag daw suportahan ang isang pulitiko dahil ito raw ang sumira sa relasyon nina Dennis at Marjorie.
We don’t think na Dennis Padilla is capable of writing the letter and making it public. Isa lang itong maliwanag na paninira kay Marjorie at sa pulitikong iniuugnay sa kanya.
Hindi naman insane si Dennis para magpakalat ng ganoong sulat, ‘no!
MAY NAG-REACT na sa planong pagpasok ni Kris Aquino sa pulitika.
Isang pari ang nagpahayag ng kanyang disgusto sa political plan ng TV host-actress who is reportedly eyeing the governorship sa Tarlac.
Out of delicadeza, hindi dapat tumakbo si Kris sa kahit na anumang posisyon. ‘Yan ang paniwala ni Fr. Melvin Castro, executive secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Family and Life.
“Without prejudging her intentions and capability, however, I do believe simple delicadeza dictates that the family carrying the surname that was catapulted into power by a political revolution should set an example of not perpetuating themselves in power. The Aquinos should be the first ones not to create a political dynasty,” Fr. Castro was quoted to have said by an entertainment website.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas