WAGI ANG UST Growling Tigers laban sa Adamson Falcons sa score na 78-63 at kumpleto na ang game ng parehong team, ang UST na sa ngayon ay first sa standing na 11-3 at ang AdU naman ay 3-11. Sa pagkapanalo ng UST ay nakuha din nila ang twice to beat advantage.
Panalo rin ang La Salle Green Archers kontra UP Fighting Maroons na crucial game ito para sa La Salle, dahil kung ating babalikan ay noong first round ay tinalo ng UP Fighting Maroons ang La Salle Green Archers, pero ngayon ay nakabawi na ang La Salle at sa kanilang pagkapanalo ay nananatili ang hope para sa kanilang road to the Final 4 at sinamahan nila ang NU Bulldogs sa pang-apat na puwesto na may 6-7 na perehong standing.
Isang game na lamang ang natitira sa NU at La Salle at pareho nilang haharapin ang FEU Tamaraws na siya namang last 2 games ng FEU. Sa game ng NU at DLSU kontra FEU, marami ring scenario ang puwedeng mangyari. Ito ang mga ilan sa scenario.
Unang scenario ay ‘pag natalo ng FEU ang La Salle Green Archers at NU Bulldogs ay first sa standing ang FEU at makukuha ang twice to beat advantage. Ang NU at DLSU naman ay magiging tie sa 4th spot at maaaring mag-knockout game para sa ikaapat na puwesto.
Pero hindi lang iyon dahil ang UE ay may pag-asa pa para sa Final 4. Noong matalo sila ng Adamson Falcons ay medyo crucial na pangyayari na iyon, pero sa last 2 games nila kontra Ateneo Blue Eagles at UP Fighting Maroons, kapag naipanalo nila iyon ay sasama ang UE sa 4th spot kasama ang NU at DLSU.
Pangalawang scenario ay kapag nanalo ang NU at DLSU sa FEU, ay magna-knock out game ang dalawa para sa ika-apat na puwesto at nangangahulugang eliminated na rin ang UE.
At kapag nanalo ang Ateneo sa UE at sa ganu’ng scenario kapag natalo ang FEU ng DLSU at NU ay mag ta-tie ang FEU at Ateneo at maglalaban para sa pangalawang pwesto at para sa twice to beat advantage.
Pangatlong scenario ay kapag ang isa sa DLSU at NU ay natalo ng FEU at ang isa naman ay nagwagi kontra FEU, sila na ang kukumpleto para sa Final 4.
Tumitindig at Sumusulong nga naman talaga ang mga kaganapam dito sa UAAP Season 78. Unpredictable ang mga nangyayari at talagang ang daming scenario ang puwedeng mangyari. Sa ngayon, nangunguna ang UST with 11-3 standing; followed by FEU with 10-2; sumunod ang ADMU 9-4; DLSU at NU with 6-7; sumunod ang UE, 4-8; UP 3-10 at ang AdU with 3-11. Sino kaya ang makakukuha ng pang-apat na puwesto at siyang kukumpleto sa Final 4? Ang DLSU Green Archers kaya? O ang defending champion na NU Bulldogs? O humabol at makuha kaya ng UE Red Warriors ang pang-apat na puwesto? Abangan natin ‘yan sa UAAP Season 78.
Usapang Bagets
By Ralph Tulfo