NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
- May anak po akong Grade 9 at naniningil po ang kanilang adviser nila ng P30.00 para pirmahan ang clearance nila. Gagamitin daw ang pera na pambili ng pintura para sa room nila. Dito po ito sa Kalayaan National High School sa Bagong Silang, Caloocan.
- Isang concerned student po ako ng Doña Rosario High School. Dahil sa magbabakasyon na nga po ay simula na rin ng pag-aasikaso ng mga estudyante ng clearance at isa sa mga prinoproblema namin ay ang pagpapapirma ng GPTA. Nais nila kaming pagbayarin ng P140.00 para sa GPTA na mapupunta raw sa pagsasaayos ng paaralan. Kailangan daw magbayad nnag buo para mapirmahan ang clearance dahil kung hindi makakabayad ay hindi pipirmahan ang clearance.
- Dito po sa Sapang Palay National High School dahil ang dami ng bayarin, halos lahat ng subject ay may binabayaran na P10.00. Ngayon pong nagpapa-clearance sila may binabayaran na P60.00 at lagi silang pinapadala ng floorwax, walis at iba pa.
- Isusumbong ko lang po na sa Himamaylan High School sa Himamaylan City, Negros Occidental ay naniningil po sila ng P350.00 bawat estudyante. Hindi makukuha ang card ng bata kapag hindi nagbayad.
- Irereklamo ko lang po iyong eskuwelahan dito sa Sapang Bato High Schoool sa Angeles City, Pampanga dahil bawat estudyante ay sinisingil ng tig-P580.00. Kapag hindi po nakapagbayad ay hindi po binibigyan ng clearance ang mga bata.
- Tulungan po ninyo ang mga estudyante dito sa barangay ng Caraga Public School sa Davao Oriental dahil pinagastos ang mga magulang para sa closing program ng eskuwelahan.
- Dito sa Dasmariñas High School ay naniningil ng P1,000.00 para umano sa contribution para sa amplifier na gagamitin sa graduation. Ganoon ba kamahal iyon? Kung 200 ang estudyante, P200,000.00 na iyon. Sobrang mahal naman na amplifier iyon.
- Gusto ko lang pong ihingi ng tulong sa inyo na makuha ang card ng anak ko sa Sampaloc National High School dahil sinisingil po kami ng P180.00 para sa pampasuweldo umano ng guwardiya sa school at iba pang mga bayarin. Kapag hindi po nakapagbayad ay hindi po makukuha ang card ng bata.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo