MEN ARE generally of few words.
Pero sa kaso ng komedyanteng si Ariel Villasanta, ang mga inusal niyang iilang kataga patungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang negosyanteng misis na si Cristina Castillo (formerly Decena) would amount to your pocketsize Webster’s dictionary.
Nauna nang nagpainterbyu si Cristina at an apt event para i-promote ang kanyang mga kasangkapan only to see herself a victim ng tila pagkakasangkapan din sa kanya ng lalaking kanyang minahal, kinasama at nakipagkalas na lang sa kanya basta-basta sa pamamagitan ng text.
Over the week, Cristina had a field day talking about her estranged husband’s way of calling it quits, saying goodbye to a one-year-and-a-five month-old marriage out of four separate weddings in four Asian countries.
Enough of her piece. Nitong Sabado sa Startalk TX, the program had them back-to-back, not necessarily face-to-face, sa kani-kanilang pagpapaliwanag how and why such a dream-filled marriage has turned into a nightmare.
Ayon kay Ariel, noong isang taon pa raw pala nang maramdaman niyang hindi swak ang kanilang personalidad ni Cristina. Hindi man direktang inamin ni Ariel, but their conflict arose from their respective economic status. Ang statement ni Ariel na, “Ano lang ba ang kinikita ko?” ay patunay na nahihirapan siyang makipagsabayan kay Cristina.
But like a roof in whose tiny holes ay tumatagas ang tubig-ulan down to the floor, kagyat na ipinantapal ni Cristina ang katotohanang not a single time had Ariel taken undue advantage kung anong mayroon ang kanyang dyowa sa aspetong pinansiyal.
In fairness to Ariel, hindi ang datung ni Cristina ang kanyang minahal at pinakasalan. Regardless kung anuman ang agenda—hidden or otherwise—ni Ariel, the fact remains that Ariel is not man enough, not even half as much, para harapin si Cristina at ilatag ang kanyang desisyon nang harap-harapan.
No guts, no balls.
BLIND ITEM: Hindi naman makatulo-pawis ang maalinsa-ngang araw na ‘yon, pero parang sorbetes na nalusaw ang isang batikang male broadcast journalist sa maiinit na pasaring ng isang napakala-
king personalidad nang maging panauhin ito sa isang pagtitipon kamakailan.
Hindi lang isang respetadong mamamahayag ang aming “underdog character” sa kuwentong ito, he used to hold one of the highest government posts in the land. Tila sinamantala ng guest speaker ang pagkakataong resbakan niya ang taong ‘yon who, during the latter’s administration, was identified with a former female leader na siya ngayong binabanatan niya.
Naiimadyin na namin ang sobrang pagpahiya ng batikang mamamahayag habang walang-habas na naglilitanya ang guest speaker with his tirades against him. If the cameras had taken the latter’s reaction shots, for sure, a facial twitch here and there would reveal signs of disgust.
Tuloy, napagtanto ng maraming tagapakinig sa maangas na talumpating ‘yon ng inimbitahang tagapagsalita ang sagot sa kanilang nagkakaisang tanong: sino ba ang nakababata niyang kapatid na babae na sikat din sa kanyang larangan, na mahilig ding magpasaring sa kanyang mga nakakagalit?
Sino ang nagmana ng kataklesahan kanino, the eldest or the youngest? Don’t worry, kumbaga sa tumor, “benign” siya, Tasya Fantasya.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III