BUHAY na naman pala sa eksena itong “producer” diumano ng James Reid–Nadine Lustre show sa San Francisco, California named Elaine Crisostomo of Entablado Production USA LLC.
As observer, now ko lang nabasa na sa itinagal-tagal ng JaDine sa kanilang professional job as performers, may nagreklamo sa serbisyo na ipinakita nila.
Inaakusa nitong si Elaine na nagbigay ng problema ang dalawa sa production team niya na may ilang mga bagay na hindi ginawa ang magka-love team.
Hindi man tinutukoy ni Nadine kung sino ang pinatutungkulan niya sa kanyang Twitter account, she posted yesterday morning: “1 thing that I learned tho…Always update everyone with what’s legit and what is not so JaDines won’t be tricked.”
Dagdag pa ng dalaga: “and before you spread shenanigans about us, PAY UP. You owe a lot of people money.”
Kung maaalala n’yo pa, almost more than a year ago, itong si Elaine ay may kaso rin sa mag-inang Maribel (Lala) Aunor at Marion Aunor na ang hotel accommodation na tinuluyan nila during a commitment na si Elaine ang nag-handle ay hindi niya binayaran. Si Miss Lala pa ang nagpaluwal mula sa kanyang sariling bulsa para makaalis na sila ng SFO for another commitment in Los Angeles in California.
I just do not know kung nabayaran na si Miss Lala sa inabono niya. Maging ang car service ng mag-ina para makapag-overland from SFO at LAX ay tila nakalimutan na nitong si Elaine na may kumpromiso pa rin siya kay Lala.
Akala ko, tumigil na itong “producer” daw sa San Francisco, California. Ang kilala ko lang with recommendations from friends like Oliver Carnay & Teng Perez of Los Angeles, California ay ang dating singer na si Lerma dela Cruz na nagpo-produce ng shows sa West Coast.
Ask Ogie Diaz kung ano ang ginawa sa kanya nitong producer. Ang alam ko, may outstanding warrant pa rin si Elaine noong huli naming nabalitaan.
Our column is open for Elaine’s story basta supported lang with documents, at ‘yong sa totoo lang.