KUNG inaakala natin na pang-drama serye lang at pelikulang seryoso ang aktor na si Dennis Trillo ay nagkakamali pala tayo.
In last Saturday’s (August 10) event of Cinemalaya 2019, ang pelikula ni Dennis together with Jerald Napoles na Mina-Anud ang naging closing film na pinaguusapan ngayon na pelikula ni Director Kerwin Go.
Rave ang audience. Nagustuhan nila ang kuwento ng pelikula na based sa totoong pangyayari tungkol sa magkaibigan na nakatagpo ng tatlong tonelada na highgrade cocaine in 2009 na nagpabago sa buhay ng magkaibigan na sina Ding (Dennis) at Carlo (Jerald)
Happy sina Ms. Roselle Monteverde at Mother Lily Monteverde sa feedback ng pelikula mula sa manood.
First time ni Dennis na magpatawa sa pelikula kung saan hindi ito nakasanayan ng marami. He proved na with a good story and script at isang matinong project, ang hindi inaasahan na magugustuhan ng viewers na mag-click ng manonood ay nagustuhan nila ang pelikula.
Positibo ang feedback. Magaganda ang reviews ng pelikula para maging Winner of the Basecamp Colour Prize at Singapore’s Southeast Asia Film Financing Forum in 2017.
One reason kung bakit hindi nagkamali ang aktor na gawin ang project nang i-offer sa kanya: “Gusto kong gumawa ng ganitong film na totoo, matapang, para ito sa mga taong naghahanap ng iba, yung mga hinahanap nila online (Netflix) na sana panoorin nila paglabas nationwide on August 21,” sabi ng aktor.
“Ito ang mga pelikulang masarap panoorin sa sinehan dahil maganda ang quality, maganda ang story, masayang panoorin kasama ng barkada,” kuwento ng aktor.
Bukod kin a Dennis at Jerald, kasama din si Matteo Guidicelli playing the role of Paul na isang celebrity na nagde-deal sa party drugs sa mga elitista ng Manila’s high society at showbiz.
Come Monday, August 19 ay ang magaganap na celebrity premiere ng Mina-Anud sa Promenade Theater in Greenhills at 6:00PM.
Reyted K
By RK Villacorta