PINATUNAYAN ni Nadine Lustre na hindi lang siya magaling na artista. Naka-dalawang acting awards na siya this year kung tama ang bilang namin with her stunning performaces mula sa iba’t ibang award giving bodies.
Sa katunayan, super like ng film critic na si Mao Feria of FACINE based in the West Coast (San Francisco, California to be exact) ang acting ng dalaga na openly ay puring-puri niya ito.
In short, no questions asked kung magaling ba ang dalaga o hindi, ngayon pa na naglevel-up na ang kategorya niya not only as a teen star or celebrity kundi isa na siyang aktres.
Ang question naman ngayon, is she a good dancer na siyang premise ng movie ng dalaga with Sam Concepcion na Indak produced by Viva Films ang directed by Paul Aexei Basinilio? Isang musical-dance movie ang Indak na showing na on August 7 sa mga sinehan nationwide.
Kuwento kasi ng dalawang Pinoy played by Nadine and Sam na lumaban sa isang dance competition sa South Korea na based ang pelikula sa kuwento ng totoong buhay.
Kaya nga proud ang mga fans ni Nadine at maging ang mga fans nila ni James Reid sa magandang nangyayari sa career ng dalaga.
Bongga ang movie ni Nadine dahil ang pinakamagaling na dance crew sa bansa ngayon na G Force is behind the choreography ng mga production numbers sa pelikula ng dalaga.
Yes, reason why G Force ang kinuha ng Viva for the film dahil mas updated sila sa moves at style ng pagsasayaw na isa sa mga rason kung bakit palagi sila kinukuha sa mga malalaking television shows at sa mga concerts to design and conceptualized the choreography.
No other option para sa Viva Films na sila ang kinuha para magturo sa cast ng dance-musical film dahil magaling sila at gamay na nila si Nadine at favorite dance crew ng aktres ang G Force na tuwing nage-guest siya sa Sunday show na ASAP ng Kapamilya Network ay swak sila sa isa’t isa.
Kumbaga, nagge-gel siya with G Force, reason kung bakit kahit mahirap ang moves at patumbling-tumbling sa performances niya ay naitatawid niya ito with flying colors.
Isa si Nadine sa mga artista natin na kung sayawan din lang, hahataa ito with her matching sexy moves.
During the shooting of the film na ipapalabas may aksidente nga na nangyari sa dalawang bida pero slight lang na hindi maiiwasan lalo pa’t ang ekena ay nasa beach sila at hindi pantay ang buhagin sa kinabagsakan ni Sam. Si Nadine naman, galos sa binti ang natamo na aksidente pero unlike sa aksidente na nangyari sa aktor na si Eddie Garcia na napatid sa cable sa taping ng isang serye,small accident lang at hindi naman malala ang tinamong aberya sa dalawang bida.
“There was a delay when the accident happened. Pero naayos naman,” kuwento ni Direk Paul.
Hindi lang sing and dance ang pelikula, naging semi-travel movie rin ang Indak dahil ipinakita ang magagandang tourists destination ng Bantayan island at Cebu plus ang shooting nila sa South Korea kung saan ang premise ng pelikula ay sumali sa isang dance competition sina Jen at Vin (Nadine and Sam respectively).
Reyted K
By RK Villacorta