GANUN NA PALA katagal na ipinapalabas ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin sa telebisyon na napapanood sa ABS-CBN pagkatapos ng TV Patrol.
In yesterday’s (Sunday, December 8) ASAP episode, isang malaking selebrasyon ang ginawa ng musical-variety show para kay Coco at sa kanyang aksyonserye.
Dahil sa serye, naging bukambibig na kinamuhian ng manonood ang mga bad characters nina Arjo Atayde, Baron Geisler, Eddie Garcia at Edu Manzano na ngayon ay bahagi na at hindi malilimutan in Philippine television history.
Sa selebrasyon ng ika-apat na taon ng FPJ-AP, tunay naman nagpasiklsb ang Team Aguila (Coco and his co-actors) sa kanilang performance.
Humataw ang mga co-stars ni Coco na sumabay sa indakan. Sumayaw (with choreography) ang mga “Aguila’ na grupo ng mga mabubuting mga pulis na katuwang ni Cardo Dalisay sa serye laban sa mga masasama.
Yesterday, first time ko narinig at napanood si Coco na kumanta. Yong kanta at performance na hindi ko inaasahan na swak na swak para sa kanya.
Nakakatuwa ang performance niya na akala ko nga, may bagong binuo na “Hagibis” at si Coco ang bagong Sonny Parson.
The fact na ng level-up na si Coco as a “performer-singer” based sa performance niya sa ASAP yesterday, may promise kung sakali i-try niya mag-sing and dance. Magaling na performer ang aktor based sa napanood ko sa ASAP yesterday.
Sa katunayan, madali para sa kanila, sabi ng mga nagha-handle ng promo ng Metro Manila Film Festival 2019 entry ng aktor na “3POL TROBOL HULI KA BALBON” dahil kapag may mall tour ay nagpe-perform ang mga bida (sing or dance performance).
Sa promo tour, may nakahandang 2-3 songs si Coco na ang indak ay sinasabayan niya with gusto.
Last weekend, nag-promo tour si Coco together with Ai Ai delas Alas (wala si Jennylyn Mercado) at ilang mga co-stars niya.
Ang MMFF entry ng aktor para sa taong ito ay dinirek niya mismo using his real name na Rodel Nacianceno.