TIMING NAMAN na sa pagsisimula ng bagong teleserye ng GMA Kapuso network na “I Heart Davao” bukas, June 26, ay sumabay naman ang balita tungkol sa pagno-nominate kay Tom Rodriguez as Best Lead Actor in a Foreign Language Film sa 6th Annual Madrid International Film Festival para sa pelikulang Magtanggol.
He played the role of a senator na commited supporter ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa direksyon ni Direk Sigfried Barros, kung saan maging si direk ay nominado rin sa kategoryang “Best Director in a Foreign Language Film. Ang nasabing filmfest at magaganap mula July 8-15 sa Madrid, Spain.
As of this writing, hindi ko pa naitatanong sa manager niya na si Popoy Caritativo kung a-attend si Tom sa awarding ceremonies sa Madrid.
Tatahi-tahimik lang si Tom pero may ganito palang ganap sa kanyang career. I just don’t know kung very eager pa rin si Tom na makilala sa larangan ng pag-arte dahil kadalasan na nababalitaan ko sa kanya at nababasa ay ang lovelife ng binata ang focus at interest niya.
Sa katunayan, balita ko nga ay nagpa-plano na sila ng kasal ng girlfriend na si Carla Abellana na kasama din niya sa bagong serye.
Sa mga hindi nakakaalam. bukod sa paga-artista ay magaling din si Tom mag-illustrate(mag-drawing) at magaling din sa mathematics. Minsan ay naikuwento namin na sumasablay kami sa subjects like trigonometry and physics. Inexplain niya sa amin na sa kanyang pagko- compute at naliligaw na kami. In the end ay tuluyan na kaming nahilo sa kayang sinasabing simple physics. Ha ha ha…
Congrats and Good luck Tom!
Reyted K
By RK VillaCorta