NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Pakiparating naman po sa mga namamahala sa LRT2 na ipaayos ang esclator nila sa Recto Station dahil matagal nang hindi pinapagawa. Siguro mga limang taon na. Maraming matataas na hagdanan kaya mahirap akyatin ng isang senior citizen na katulad ko. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat.
Reklamo ko lang po ang mga batang gabi na ay nakakalat at nag-iingay pa rin sa kalsada rito sa Brgy. 554. Nakakaperhuwisyo po sa mga taong gustong matulog at may maaga pang pasok kinabukasan. Sana po ay magpatupad ng curfew o masaway ng barangay.
Manghihingi lang po ako ng tulong dahil ako po ay binugbog ng isang pulis at siya ay lasing noong oras na binugbog ako. Puwede ko bang sampahan ng kaso ang pulis na iyon?
Irereklamo ko lang po ang isang pulis sa Manjuyod, Negros Oriental dahil naniningil ng P10.00 sa bawat pasahero ng habal-habal mula Kandabong hanggang Manjuyod. Sana po ay mapahinto, kawawa naman ang mga pasahero.
Sana po ay mapailawan iyong isang kalye sa Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite papuntang Gate 2. Marami na pong nabibiktima ng holdap. Sana po ay maaksyunan.
Magpapatulong lang po na maka-final exit iyong asawa ko from Jeddah, Saudi Arabia dahil 7 months na sila na walang suweldo. Napakabagal po ng processing ng visa at exit papers. Mawawalan na po kami ng contact sa kanya dahil hindi na siya makabili ng load at pang-internet kasi mag-expire ng ang iqama niya.
Irereklamo ko lang po itong pabrika rito sa may Cainta, Rizal dahil mabaho po iyong kemikal na ginagamit nila at napakaingay pa po sa gabi. Perhuwisyo po sa amin dito ang garments factory na ito.
Baka puwede n’yo po kaming matulungan dahil dumami na ho kasi ang mga habal-habal dito sa San Joaquin, Pasig. Puro mga iligal po na bumibiyahe. Pati kaming mga tricycle driver dito naaapektuhan, dahil hindi hinuhuli ng traffic enforcer ng Pasig. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Ire-report ko lang po ang ilang mga pulis sa kantong paliko ng C-3 Road kapag galing ka ng 7th Avenue. Dahil tuwing gabi ay nangongotong sila ng P20.00 kada truck na daraan.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo