NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Gusto po sana namin na maaksyunan ang hinukay na kalsada sa aming lugar na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos dito sa Bargy. Bagong Silangan, Quezon City.Tatlong buwan na pong nakatiwangwang at hanggang ngayon ay hindi ginagawa. Sana ay maaksyunan dahil hirap pong dumaan ang mga sasakyan.
Irereklamo ko lang ang tulay na nasa Talavera, Toledo City, Cebu dahil matagal na po na one lane lang ang dinaraanan ng lahat ng sasakyan. Ang kabilang lane po kas ay inaayos at hanggang ngayon ay hindi pa matapus-tapos.
Concerned citizen po ako from San Lorenzo Ruiz, Taytay, Rizal po. Reklamo ko lang po na hirap na po kami sa daanan dito dahil sa naghuhukay sa kalsada namin, pati po ang dati naming kanal ay tinambakan nila. Ngayon po na wala pang ulan ay baha na sa buong Phase 3 at wala na kaming madaanang tuyo, paano pa kaya kapag dumating na ang tag-ulan?
Sana po ay matulungan n’yo po kami para masolusyunan ang aming problema rito sa National Road, Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan. Mayroon po kasing naglagay ng stockpile ng white sand dito sa gilid ng highway. Maraming kabahayan ang apektado dahil sa alikabok na dala ng buhangin na pumapasok sa loob ng mga kabahayan.
Ire-report ko lang po itong napakagulong kalsada rito sa West Rembo, Makati City lalo na rito sa may Aguinaldo St. Ginawa na pong parking area ang kalsada namin dito buong araw.
Irereklamo ko lang po iyong basura rito sa may highway sa Seabreeze Tower sa Limay, Bataan dahil noong January pa ito nakatambak at hindi pa hinahakot. Umaalingasaw na po sa baho at ayaw asikasuhin ng barangay at dinadaan-daanan lang nila
Ireklamo ko lang po ang gilingan ng palay rito sa Gloria, Oriental Mindoro sa isang residential area po ito. Sa likod lang ng bakuran nila tinatapon ang mga balat ng palay at sinusunog. Sobrang kati at alikabok po dito at nagkakasakit ang mga bata. May mga bata na nga pong nagkaroon ng komplikasyon sa baga dahil sa hindi magandang nalalanghap na hangin. Ang ibang mga bata ay may hika at nagkakasakit na rin. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Luneshanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 11:30 am-12:00 nn.
Mapanonood din ang inyong lingkod sa T3: Alliance sa TV5 tuwing Linggo, 1:30 pm.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo