NARITO ANG ilan lamang sa mga sumbong na ipinadala sa pamamagitan ng aming text hotlines na 0908-87-TULFO at 0917-7-WANTED.
Isusumbong ko lang po ang mga guro sa Casanayan National High School sa Pilar, Capiz dahil naniningil po ng P100.00 sa bawat estudyante para pambili ng electric fan at lagayan ng baso.
Dito po sa Don Crispin Yumol Memorial School sa Tanza, Cavite ay nangongolekta ng tig-P100.00 sa mga estudyante ng Kindergarten para sa PTA project.
Hihingi lang po ako ng tulong dahil hindi ko na matiis ang mga bayarin sa Lupon National High School sa Davao Oriental. Naniningil sila ng P80.00 para sa ceiling fan, P100.00 para sa water dispenser, P120.00 para sa stand fan at P550.00 para sa miscellaneous fee. Sana po ay matulungan ninyo kami.
Pakitulungan naman po ang mga magulang sa Ugac Elementary School sa Sta. Rosa, Iguig, Cagayan Valley dahil katatapos lang nilang maningil ng P208.00 na pambili ng computer set at TV, ngayon ay naniningil na naman ng P200.00 sa bawat bata.
Nagpa-meeting po ang PTA dito sa Crossing, Libona, Bukidnon at naniningil sila ng P280.00 sa bawat kindergarten students. Para raw ito sa deep well at kung anu-ano pa.
Isusumbong ko lang ang lubak-lubak na kalsada na nagsasanhi ng matinding traffic sa Brgy. Balibago sa tapat ng Target Mall. Sobrang laki po ng lubak at marami-rami na rin po ang naaaksidente rito. Sana po ay maaksyunan ninyo.
Iyong pong eskuwelahan ng aking mga anak na P. Burgos Elementary School ay may sinisingil na P150.00 para sa cleaning materials at pagpipintura ng classroom sa Grade 4. Doon naman sa iba ay kailangang bumili ng libro na worth P650.00.
Sumbong ko lang po ang Maligaya High School sa Quezon City dahil naningil sila ng P100.00 para sa locker na pag-iiwanan ng mga libro ng bata, pero hanggang ngayon ay wala pa ang nasabing locker na pinaglaanan ng pera. Naningil din ng P50.00 para naman sa ceiling fan.
Concerned parents po ako na taga-Mandaluyong, may mga anak po kasi na nag-aaral sa Highway Hills Integrated High School at pinagbabayad sila ng tig-P100.00 sa PTA para pambili raw ng cleaning materials at electric fan para sa classroom.
I’m from Area B Airport Village, Brgy. Moonwalk, Parañaque City, patulong naman dito sa aming kalsada dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin natatapos ang paggawa at saka wala na ring gumagawa. Iniwan na lang na nakatiwangwang. Hirap po kami sa pagdaan lalo na para sa mga batang pumapasok sa eskuwelahan. Patulong naman po.
Makinig at manood ng Wanted Sa Radyo 92.3 FM Radyo5 at Aksyon TV Channel 41, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay naka-simulcast din sa 101.9 FM sa Cebu at Davao. Sa Cagayan de Oro ito ay kasabay na napakikinggan din sa 101.5 FM at sa 97.5 FM naman sa General Santos City. Samantalang sa Bacolod City naman ay sa 102.3 FM.
Ang inyong lingkod ay mapanonood din sa Aksyon Sa Tanghali sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 12:00 nn.
Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0908-878-8536 at 0917-792-6833.
Shooting Range
Raffy Tulfo