BLIND ITEM: Isang makisig na aktor ang hindi na aktibo sa telebisyon at kahit sa pelikula, pero aktibo sa “negosyo.” Ano’ng negosyo ito?
Negosyo lang ang tawag namin, dahil siyempre, ito ang kanyang ikinabubuhay.
Ang ano ba?
Teka muna, may source kami rito, hayaan natin siyang magsalita, ah? Kasi, kami, nakikinig lang, eh. Hindi naman nangangahulugan na kami ay naniniwala, eh.
“Nako, mama, in fairness naman sa aktor, hindi siya nagpapahada sa bading. Ang hinahanap niya, eh, ‘yung matronang mayaman na mahuhuthutan. Kaso, ‘di ba, ‘pag nakikipag-sex na, natatakot na ang mga masyosyonda?
“Eh, kasi naman, kung kelan sila syumonda, du’n sila titirahin sa westpoint ng aktor! Eh, ang laki pa naman ng notebook ng lolo mo. Kaya eventually, ayaw na rin nila. Kasi, halong enjoyment at sakit ang nararamdaman sa kanya ng mga masyosyonda.
“Pero at least, nagkakapera siya, huh! Magpaligaya lang ng matronix.”
Sino ito?
“’Wag ka nang magbigay ng clue. Pikon ‘yan. Baka ipahanap ako niyan sa ‘yo at dyombagin ang beauty ko. Alam ko ‘yan, kasi, ‘yung friend kong si madam, nahuthutan niya. Pero, ‘Day, hindi yosi, hindi rin disposable lighter ang Sucat, Parañaque ng notebook ng lolo mo.
“Parang size ng coffee mug! Hahahaha!”
Hmph! Andu’n na ba ang clue?
EH, ‘YUNG INIINGGIT kami nu’ng ibang friends na nakapanood ng Imortal, dahil we missed daw one-third of our lives. Juice ko, tampalin ko ‘tong mga ‘to. Kaya nga me YouTube, ‘no! Dahil sureball namang magkakaroon ng link ‘yan para du’n sa mga hindi nakapanood.
Asan ka ba kasi no’n, Ogie Diaz? (Tinanong na namin ang aming sarili.) Saan pa, eh, ‘di nasa presscon ng Petrang Kabayo ni Vice Ganda kung saan “nagpakawala” ng kanya ring “sentimyento” sa MTRCB ang kontrobersiyal na judge ng Showtime.
At ‘eto nga, awa ng Diyos, sa sobrang busy ng lola n’yo, hindi pa rin namin napapanood sa link na ibinigay sa amin ang Imortal. Iniinggit kami ng mga potah, kaya kailangan, hindi kami mahuli sa balita, ‘no?
Baka magkabalitaan at magkapalitan ng opinyon sa Sabado sa E-Live! mukha naman kaming engot na tatanga lang kina Luis Manzano, Cesca Litton at Nikki Gil, diyahe naman.
Gusto rin naming mapanood kung saang bahagi talaga ng ngipin inilagay ang pangil ng bampira, tulad ng tinwit sa amin ng isang follower na dapat daw ay nasa pangil.
Pakagat kaya kami kay John Lloyd para malaman namin kung babaon talaga sa leeg namin ang ngipin niya? Basta hahayaan niya kaming gumanti, ha? Charrring!!
Paano ba masusukat ang pagkalalaki para masabing tunay na lalaki? Gamit ba ang ruler? O, kailangang “mapasubo”? I mean, sa mga pagsubok, ‘no! ‘Yan ang buod o ang lalamanin ng bagong show sa Studio 23, ang Usapang Lalake na magsisimula na ngayong Miyerkules, 9:30 p.m.
Sina Aran Sese, internet star Jobert Austria, award-winning stand-up comedian na si Alex Calleja at ang aming talent na si Boom Labrusca.
“Siyempre, Mama Ogs, makaka-relate dito ang kalalakihan. Magugustuhan ito ng kababaihan, at mai-in love dito ang kabadingan, hahaha!” sey ni Boom.
Nagbabalik muli si Boom bilang isang character actor. Kasama rin siya sa isang episode ng Wansapanataym kung saan merong isang babae ang tatlo ang ulo, “Kontrabida ako rito. ‘Yun naman ang gusto ko, eh.
“Kaya sana, mapansin din sa mga teleserye, dahil alam ko, kulang ng mga kontrabida.”
Pero rito raw sa Usapang Lalake, “Regular show ko ‘to every Wednesday, training na rin for hosting, dahil dati naman akong host sa kabilang channel, eh.
“Ang ganda nito, maaaliw kayo, promise!”
Oh My G!
by Ogie Diaz