HINDI NA BAGO ang “loveteam” nina Bossing Vic Sotto at Dawn Zulueta sa showbiz. Sa mga hindi nakakaalam, matagal na naging magkasama ang dalawa sa telebisyon via “Okay Ka, Fairy ko” na almost two decades ago na yata.
Ang last movie ni Dawn was in 2016 kung saan magkapareha sila ni Piolo Pascual na isang drama-romance film under Direk Gino Santos para sa Star Cinema,
Pero nang i-offer sa kanya ni Bossing Vic ang MMFF 2017 movie na “Meant to Beh”, na isa sa walong official entries ay hindi na nagdalawang isip pa ang aktres.
Pahayag niya: “I really welcome the chance to do comedy naman with Vic Sotto,” na super bagets pa rin ang itsura ng aktres
Para maiba naman ang timpla, for a change ay comedy naman ang latest movie ni Dawn.
“Maski sa teleseryes, puro iyakan ang ginagawa ko, so gusto ko naman sumubok ng comedy, lalo na si Bossing Vic ang kapareha ko na sa TV ko pa lang nakatrabaho before ages ago. I’m grateful naalala nga ako ni Bossing dahil na-miss ko rin siya.”
Dahil open si Dawn sa mga pagbabago sa paggawa ng pelikula, maging ang director niya sa pelikula ay nagustuhan niya ang karanasan working with Direk Chris Martinez na kung nasusundan mo ang career path ni Direk ay iba ang approach niya for a comedy movie in the past.
Kuwento ni Dawn with her experience with Direk Chris: “First time ko ring makatrabaho ang director namin si Direk Chris and he’s definitely one of our more talented young filmmakers today.
“Wholesome and heartwarming ang buong movie na puwedeng panoorin ng buong pamilya. First time ko ring makasama ang stars ng both two top networks dito, with JC Santos, Gabbi Garcia and Baeby Baste as our children. Kasama din namin si Andrea Torres (who plays the “other woman”), Daniel Matsunaga, Sue Ramirez, and Ruru Madrid na first time napagsama-sama sa movie.
“They’re all very professional and very talented kaya ang wish ko, maging blockbuster sana itong ‘Meant to Beh’ para magkaroon ng Part 2 at makasali uli kami next year,” pagkukuwento ng aktres tungkol sa pelikula niya with Bossing Vic.
Sa katunayan, with Dawn’s experience in doing this film na ang mga artista ay mula sa magkaibang television network na hindi maiiwasan na bunga ng network wars ay hindi niya naransan sinasabing “network wars” between the stars ng pelikula.
Paniwala ni Dawn: “Dati naman, walang boundaries ang mga artista because of network affiliations. Ako, I used to work with everyone. I worked with Viva, with Regal, with all companies and all co-stars, walang problema to be paired with anyone,” kuwento ng aktres.
Pero malaki ang paniwala ni Dawn na ang network wars ay bunga din ng social media. “Sabagay, I come from a different era na wala pang social media. Today, the fans and almost everyone feel they have the right para panghimasukan ang careers and private lives ng mga artista because of Instagram or Twitter.
“Everyone can bash anyone and they’re all very negative, which is sad kasi it’s not really helping the industry. Before, we’re just one big family.
“Ngayon, kanya-kanya na, kampo-kampo na. So please support our movie, ‘Meant to Beh’, kasi bihira magkasama-sama ang mga artista from different networks. Let’s have unity, not division,”pakiusap ni Dawn sa mga fans.
Reyted K
By RK Villacorta