NANG MAKAUSAP namin yesterday (Thursday) si Paulo Avelino sa special screening ng pelikulang Ang Larawan na isinagawa sa The Promenade sa Greenhills, hindi pa pala niya napapanood ang pelikula kung saan he plays an important role (Tony Javier) sa buhay ni Paula na ginaganpanan naman ni Rachel Alejandro sa pagsasapelikula ng nag-iisang musical film sa darating na MMFF 2017 mula sa obra ng National Artist na si Nick Joaquin.
Mula sa libro hanggang sa page-stage ng istorya hanggang sa pagsasapelikula na produced ng Culturtrain Musicat Productions, na-enjoy namin ang pelikula na dinirek ni Loy Arcenas.
Na-late kasi ang aktor sa napakagandang screening. Kaya nga tuwang-tuwa si Paulo sa positibong reaksyon ng mga nakapanood sa performance niya.
Nag-audition pala si Pau sa role niya. Mula sa “teleseryeng” karir niya, he told his manager na gusto niya gumawa ng iba at ang iba nga na ito ay ang gumawa ng isang musical.
Timing ngalang marahil na nang magpatawag ng audition ang produksyon, Nakuha ang aktor.
Kasabay ng ng mga rehearsals ng pelikula ay may ginagawa na teleserye si Paulo na mabuti na lang ay hindi nakabala sa kanyang paggawa ng Ang Larawan.
“I’m thankful sa pagkasali ko sa movie. It’s a classic,” pagmamalaki niya.
Sa naturang musical film, bukod kay Rachel, makakasama ng aktor ang mga de-kalibreng mga singer-performers tulad ng West End (London) sensation na si Joanna Ampil na hindi nakarating sa special screening ang presscon dahil on tour pala ang aktres sa stage musical na Cats, Celeste Legaspi, Dulce, Bernardo Benardo, Nanette Inventor, Robert Arevalo, Nonie Buencamino, Aicelle Santos, Cris Villionco, Cara Manglupus, Jojit Lorenzo, Ogie Alcasid na mga kilala as stage singers-performers.
At si Paulo? “Proud ako na nakasama ako sa musical film na ito. Proud din ako at inalalayan nila ako,” sabi niya.
Sa katunayan, happy ang mga producers na kinabibilangan nina Rachel, Celeste at Girlie Rodis dahil with Paulo’s participation in the film, nagkaroon ng konting komersiyalismo ang musical film na alam naman natin na may selective market.
Nang i-promote ng produksyon ang pelikula sa iba’t ibang schools, matapos nila mapanood ang full trailer, kinilig ang ang students dahil nakita nila si Paulo.
Personally, isa ang pelikulang Ang Larawan ang first 5 movies na panonoorin ko sa darating na MMFF 2017 na magsisimula sa December 25.
Reyted K
By RK Villacorta