ISA SA MARAMING mga artista natin sa kasalukuyan na kilala ko ng personal ay itong si Sylvia Sanchez.
Gusto ko kasi sa artista, diretso kausap. Yong straightforward na hindi ka papaikutin kahit alam mo na nagsisinungaling sila.
Ito marahil ang traits ni Ibyang (tawag ng mga close sa kanya) na iilan na lang sa showbiz ang mayroon.
Sa katunayan, sa pagbabalik Regal Films niya (if I’m not mistaken, isang sexy-comedy film ang una niyang ginawa sa kampo ni Mother Lily noon) na naging stepping stone ng aktres para maiba ang buhay niya at ng mga mahal niya sa buhay.
Unang gusto ni Ibyang ay mapabilang sa That’s Entertainment show ni Kuya Germs noong nasa high school pa siya.
Naispatan siya sa isang mall sa kanila sa Butuan kung saan mag-isang “talent scout” ang kumumbinsi sa kanya na lumuwas ng Maynila na dahil sa kagustuhan niya na mag showbiz, akala niya ay heto na ang simula – ang pagluwas niya ng Maynila para maging part ng That’s Entertainment.
‘Yun pala, niloko lang siya ng nangakong “manager” niya na nauwi sa pagiging club dancer ng aktres sa Thunderdome kung saan doon siya naispatan nina Mother Lily, Peque Gallaga at Lore Reyes para sana sa pelikulang Scorpio Nights (na si Anna Marie Gutierrez ang naging bida with Daniel Fernando as the leading man).
The rest was history na hindi itinago ni Ibyang sa mga anak niya at maging sa publiko.
Sa muling pagbabalik Regal Films ni Sylvia, very open ang pasasalamat niya kay Mother.
“Gusto kong sabihin sa inyo, thankful ako rito sa movie na ito, where in fact, sinabihan ko si Mother Lily na, “Mother, ang tagal mo na akong hindi kinuha sa movie.” So ngayon bumalik siya sa akin, bumalik ako sa kanya, kaya thankful ako. At sabi ko,” Mother huwag mo na nga akong iwan.” Naglolokohan kami.
Si Sylvia ay si Mama Mina na kakaiba sa mga roles niya on television bilang isang nanay.
”Loud ako rito e, at saka sexy. Lume-level up, e. Pero strong mom siya. Na no matter what, kahit saan siya magpunta, hindi niya iiwanan ang anak niya,” iba ang aktres sa pelikulang ito ayon sa pagkukuwento niya sa press.
First time ni Ibyang makatrabaho si Sofia Andres playing the role of Abby sa pelikulang dinirek ni Connie Macatuno.
“Nung una, tinitingnan ko lang siya. ‘Pag hindi mo talaga siya kilala, iisipin mo na suplada siya. Pero sa akin kasi huwag mong i-judge ang isang tao, huwag kang basta-basta maniniwala sa sinasabi ng ibang tao, hanggat hindi mo totally nakikilala ang isang tao. Para sa akin, mabait siya,” diskripsyon ng aktres sa dalaga na anak niya sa istorya.
Bagong artista pa lang si Sylvia ay nakagawa na siya ng mga pelikula sa Regal.
Makakasama ni Sylvia at Sofia sa movie sina Diego Loyzaga at Jameson Blake na may love triangle.
Reyted K
By RK Villacorta