DALAWANG “pasabog” ang pinost ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes sa kanyang Facebook personal account noong September 25, 2018.
Una ay ang paglilinaw ni Dingdong na hindi siya tatakbo bilang senador sa 2019 elections, at ikalawa ay ang dahilan sa desisyon niyang ito — kumpirmadong BUNTIS ang maybahay niyang si Marian Rivera.
Umani ng super-daming likes, love, and positive comments ang post or “official statement” ni Dingdong — na nagsabing ang ikalawang pagbubuntis ni Marian na ipinagdarasal nilang mag-asawa, ang naging sagot ng “sign” na ipinagdarasal ni Dong upang gabayan siya sa kanyang political plans, kung meron man.
Sumasaludo kami kay Dingdong sa desisyon niyang ito, na gawing prioridad ang pag-aalaga sa kanyang pamilya, dahil siya nga rin ang nagsabing nasa posisyon man sa pamahalaan o wala, eh handa siyang tumulong sa ating mga kababayan, in anyway he can.
Knowing Dingdong, tutok ito bilang asawa kapag nagdadalantao ang misis na si Marian, tulad nung pinagbubuntis nito ang kanilang panganay na si Zia, na magiging “ate” na!
Narito po ang kabuuang Facebook post ni Dingdong:
“Marami ang nagtatanong kung tatakbo ako sa darating na eleksyon, at marami rin ang humihingi ng pormal na sagot.
“Ang pagkakataong maglingkod bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission, at tumulong sa pamamagitan ng YesPinoy Foundation at ng YesPH Community Development, ang ilan sa mga naging inspirasyon ko upang patuloy na magsilbi sa bayan.
“Pero naniniwala ako na ang pagiging “public servant” ay isang mabigat na responsibilidad na dapat pinag-aaralan, pinaghahandaan at, higit sa lahat, ipinagdarasal.
“Kung gagawa ako ng malaking hakbang para sa darating na halalan, hindi lamang isang simpleng decision-making ang dapat kong pagdaanan. I should be able to discern His Will and seek guidance.
“And in the process of my discernment, I received His response in the most surprising and beautiful way. With overflowing joy, Marian and I, are happy to share with everyone that we have been blessed with another child!
“Natupad na rin ang matagal ng dasal naming mag-asawa, lalung- lalo na ni Zia.
“At sa kabila ng buong suportang ibibigay sa akin ni Marian, ng buong pamilya, at mga kaibigan sa anumang magiging desisyon ko sa pagsabak sa pulitika, malinaw sa akin na sa panahong ito ay kailangan kong maging buo para sa aking pamilya.
“My discernment revealed what is truly important in my life— panahon ito para suportahan ang pagdadalang-tao ng aking asawa.
“Life has presented me with two good aspirations, and I can always rationalize to weigh the pros and cons. But I know that, at this point, I am being redirected to my reason of creation— my family.
“My humble service to the public will continue and it could take a different form or level in the future; but first, I have to ensure that my home is protected and secured before I can take care of others.
“Sa aking pamilya at mga kaibigan, thank you for always trusting my judgement and direction. Sa lahat ng nagmamahal sa amin nina Marian at Zia, na umaasang lumaki ang aming pamilya, thank you for your prayers.
“Sa lahat nang humihikayat sa aking lumaban sa darating na eleksyon, salamat sa inyong tiwala at suporta.
“Ngayon, habang nag-aaral, naghahanda, at naglilingkod ako bilang isang volunteer at private citizen, umaasa akong patuloy pa rin ang ating pagtutulungan para sa ikabubuti ng ating bayan, sa anumang paraan— maliit man o malaki, may posisyon man o wala.
“Nawa’y ang bawat kabataang kabahagi ng aming mga adbokasiya ay patuloy ding mangarap at maglingkod sa kanilang mga pamilya, paaralan at komunidad.
“And to all my fellow Filipinos, I am with you in believing that in times of uncertainty, God’s unfailing love will always reign supreme. Thank you and I humbly request for your continued prayers of protection and good health for my family, especially on Marian’s second pregnancy,” mahabang post ng guwapong aktor.
Ang attached photo rin ay naka-two fingers flash ang mag-anak, which means, on the way na sa sinapupunan ni Marian ang kanilang second baby ni Dong!
Saludo Kami sa grupo nina Dondon Montverdede at Direk Erik Matti sa patuloy nilang pakikipaglaban sa nangyaring iskandalo sa “Honor Thy Father” na dinisqualify without due process sa Best Picture category.
Dapat lang naman dahil ang produksiyong Reality Entertainment ang naagrabyado, kaya idinaan na nila sa tamang proseso, ang pagsampa...
Napanood namin ang unang Sabado ng Master Showman Presents na wala na ang original host nito, and true enough, tinupad ng Superstar ng si Nora Aunor na itutuloy niya ang show ng matalik na kaibigan.
Pero siyempre, wala pang formal announcement from GMA Management if this will be regular na nga,...
KUNG LAST week, sa panganganak ni Marian Rivera ay ang cute na kamay pa lang ang na-post na picture ng baby nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, malapit nang makita ng publiko si Baby Zia.
Ito ay sa isang welcoming party na handog ng mga kaibigan ng hukbo ng fans...
MULING MAPANONOOD sa SM Cinemas ang isang Emilio Aguinaldo bioflick.
Ngayong December 2, 2015 (Miyerkules), ang "director's cut" na nire-titled "General Emilio Aguinaldo: The First Philippine President" ay exclusively mapanonood ng publiko sa mga sumusunod na SM Cinemas: North Edsa, Mall of Asia, Megamall, Sta Mesa, Manila, San Lazaro, Marikina,...
NGAYONG TAON, gagawaran ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ng lifetime achievement honors sina Ms. Coney Reyes and Ms. Maria Ressa, sa kanilang 29th PMPC Star Awards for Television.
Si Coney ang unanimous choice ng PMPC upang maging recipient ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award, ang pinakamataas na karangalan sa...
SA UNANG pagkakataon, pinasok na rin ng Philippine Red Cross (Rizal Cahpter) ang pagpo-prodyus ng concert – ito nga ang "The Big One" fund-raising concert sa November 27, Biyernes nang gabi sa Ynares Sports Arena, Kapitolyo, Pasig City.
Ayon sa mga taga-Red Cross, dati-rati raw ay fashion events ang kanilang...
NAMAYAGPAG ANG mga bagets actor at actress sa nakaraang awards night ng Cinema One Originals 2015 na ginanap noong Linggo, November 15, sa Dolphy Theater.
Ang teen actress na si Therese Malvar ang nanalong Best Actress para sa Hamog, tinalo nito ang co-nominees niyang mas matatanda sa kanya, namely...
SPEAKING OF Little Nanay, 'yung paghagulgol ni Kris Bernal sa presscon ng show ay deeply-felt na genuine tears of joy.
"Dati po, pinanonood ko lang po sila, ngayon ay kasama ko na po sa eksena," lumuluhang chika ni Kris na gumaganap na mentally-challenged na mabubuntis, at kung ano ang epekto...
WALA NA nga kayang pag-asang magsama sa isang pelikula sina Maricel Soriano at Sharon Cuneta?
Ang dalawang box-office movie queens ng kanilang panahon (1990s) ay never pang nagsama in one movie, samantalang kung tutuusin, nasa iisang management na sila ngayon, sa Viva Entertainment (may co-manager si Marya). Pero tila wala...