HINDI TOTOONG MAYSAKIT SA ATAY… PREMYADONG AKTRES, LULONG SA DROGA!

BLIND ITEM: Noon pa, duda na ang isang premyadong aktres sa umano’y liver cirrhosis na nakuha pang ianunsiyo ng kanyang dating close friend, na isa ring aktres, in a TV interview several years ago.

That time, nasa kung anong ‘nursing home’ ang maysakit na aktres, tila nagmamakaawa ng tulong na ma-discharge doon at muling makapagtrabaho. Pero hindi affected ang dating kaibi-gan. Hindi man daw siya isang doktor, pero ang alam niya sa taong may ganoong uri ng sakit sa atay ay nasa peligro ang buhay.

Sa ngayon, nakikita pang manaka-nakang lumalabas sa TV ang ‘sick’ actress, pero nitong huli ay nawala siyang muli sa sirkulasyon. At ang dahilan: Lulong daw ito ngayon sa droga. Worse, ka-jamming din daw nito ang kanyang anak.

TO THIS DAY, consistent pa rin si Lovi Poe sa kanyang gasgas nang linyang “I don’t wanna talk about the issue. It’s too personal and too sensitive” patungkol sa pagka-kagamit sa kanya ng nobyong si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson as an excuse for his cocaine use.

Lovi’s repeated answer to an equally repeated question is understandable. Even cornered (read: nasukol na, nagdidenay pa), expect safe answers from Lovi bordering on lies. Enough of Lovi’s master’s degree from Leo Dominguez School of Kaeklayan!

But who knows, Lovi’s tight-lippedness might just end on February 15 and 17? Odd dates as they are, baka mapuwersa na ang hitad to give ‘even’ statements on these two important dates that will determine if, finally, she has something to say.

February 15 na kasi sisimulan ang Congressional inquiry na siyang magtatakda ng kapalaran (o kamalasan) ni Ronald under the House Committee on Ethics chairmanship of Bohol Rep. Erico Aumentado (the first two syllables sound like “omen”). Sa plenar-yong ito dedesisyunan kung dapat nang sibakin o magbitiw nang kusa si Ronald, but either way, sipa rin siya sa Kongreso!

February 17 naman ang ina-antabayanang hatol ng Wan Chai district court ng Hong Kong kay Ronald. But it seems that Ronald is against all odds.

Until these crucial odd dates, hintayin natin ang eklay ni Lovi. May magbago ba sa relasyon nila ni Ronald given this odd scenario?

Samantala, ikinansela last minute ng manager ni Lovi ang promo guesting ng aktres nitong Sabado sa Startalk TX. Isinugod daw si Lovi sa St. Luke’s Medical Center sa Global City, stress-related kaya ang dahilan ng confinement?

MATAAS ANG EXPECTATIONS ng mga manonood sa kauna-una-hang dramaserye ng TV5 which premieres tonight at 9.

If Babaeng Hampaslupa dwells on the life of a socially disadvantaged lass, mayaman naman ito sa kuwento ng hidwaan sa dalawang angkan ng mga Chinoy. Typical clash between the rich and the poor.

Trailer-wise, mukha itong full-length film. Bigatin ang cast. The PR hype is just as huge. And for the first time on Philippine TV, ngayon lang magkakaroon ng pilot episode na walang commercial breaks. O, ‘di ba, parang grand raffle lang ng dalawang yosi brands?


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMAY JINX KAYA? JOHN ESTRADA, KINATATAKUTANG I-MANAGE
Next article‘SERBISYO-PUBLIKO’ NI HUNK ACTOR, MABENTA SA MGA BADING!

No posts to display